Kapansin-pansin ang pag-iwas ni Gerald Anderson na pag-usapan si Sarah Geronimo sa presscon ng kanyang bagong clothing line endorsement, ang Mint na ginanap last Thursday night.
Although nagbabahagi siya ng ilang detalye at sumasagot naman sa mga tanong about Sarah, tipid na tipid ito at katwiran niya, personal life na niya ’yun kaya nakiusap siyang ibalato na sa kanya.
In fairness, inamin naman ng aktor na sila ni Sarah ang magkasama noong Valentine’s Day pero ayaw na niyang magdetalye pa.
Klinaro niyang group date ’yun at kasama rin daw si Mommy Divine, nanay ni Sarah.
“Okay naman, masaya, it’s a group date, marami kami pero huwag na lang po tayong magdetalye, kumbaga kasi, personal life ko na ’yun, wala naman pong connection ’yun dito sa Mint and also sa Budoy. “Okay na ’yun, basta tapos na po ’yun, masaya ako,” sabi ni Gerald.
Wala ring malinaw na sagot ang aktor nang matanong kung nanliligaw na ba siya kay Sarah.
“Kumbaga, ano, hindi lang dahil nakasama ko si Sarah sa Valentine’s Day, ibig sabihin nagmamadali kami or ano. Kumbaga, single siya, single ako, wala naman pong masama roon.”
Pero dumadalaw siya sa bahay nina Sarah?
“Nakapunta ako sa bahay nila, yes, it’s true, hinatid ko ’yung gift ko and mataas po ang respeto ko sa kanya at sa buong pamilya niya.”
Natanong din siya kung nagsabi na ba siya sa parents ni Sarah ng kanyang intensyon since pinayagan siyang mailabas ang dalaga kahit pa sabihing group date iyon.
“You know, sa ngayon, friends kami at ’yun po ang pinakamalinaw do’n, malinaw na friends kami, pareho kaming single, kumbaga, wala namang masama roon.
“Kung magkaroon ulit ng opportunity in the future na lalabas kami, oo naman, wala namang masama do’n. I’m just really happy na binibigyan nila ako ng opportunity na makasama ko si Sarah at ang buong pamilya niya. ’Yun na ’yun, okay na po ’yun.”
Nasabi ni Sarah sa nakaraang interview namin sa kanya na special si Gerald sa kanya. Ganito rin ba ang nararamdaman ng aktor?
“Of course, maraming beses ko na rin pong sinabi na special siya sa akin,” aniya.
Natanong din kung bakit Tiffany necklace na may heart ang Christmas gift niya kay Sarah at aniyang nakangiti, “Please, ibalato mo na ’yun sa akin, please.”
Marami pang tanong ang press kay Gerald about Sarah, pero aniya, ayaw niyang maging selfish na pag-usapan ang personal life niya sa presscon ng Mint.
Samantala, marami ang nagulat sa pagpapalit ng clothing line endorsement ni Gerald.
For the longest time, sa Bench siya identified kaya natanong din ang aktor kung hindi ba siya nahirapang magpaalam sa dati niyang ineendorso.
"Mahirap. Siyempre, doon ka nagsimula," pag-amin ng young actor. “After ng PBB (Pinoy Big Brother), nakasama ko sila. Sobra akong kinilig at natuwa nang makita ko ang billboard ko sa Edsa.
"And like I've said, sobra akong thankful nakasama ako sa family nila. And now, I have my new family and masaya ako sa pamilya ko."
Growth and chance ang sinabi ni Gerald na rason kung bakit siya lumipat.
“Change sa buhay, pagbabago," aniya.
Itinanggi rin niyang hindi dahil sa ayaw na niyang makasama si Kim Chiu sa Bench kaya siya lumipat.
"Ay, hindi naman. Hindi rin po maiwasan at parang kahit anong explanation ko siguro, may mag-iisip ng ganoon. But, siguro kailangan kong tanggapin ’yun.
"Hindi po ’yun ang dahilan talaga at matagal na rin akong inaabangan ng Mint and sobra akong natuwa na natuloy rin,” pahayag pa ng bida ng Budoy.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 196
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 285
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 149
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 222
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 220
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more