MALAKI ang improvement ngayon ng boses ni Nora Aunor pagkatapos ng kanyang successful operation sa Boston, Massachusettes, USA.
Ayon sa confidante ni Nora na si Albert Sunga, kasalukuyan nang nagte-therapy si Ate Guy sa Los Angeles. Kasama sa therapy ang voice lessons niya sa ilalim ng isang magaling na voice couch sa Los Angeles.
Ilang buwan pa ring mamalagi sa America si Nora habang nagte-therapy at voice lessons. Pero, tiyak daw na sa pagbalik niya sa Pilipinas ay balik-taping ang Superstar sa TV5 at balik shooting din ng El Presidente na title roler si Laguna Gov. ER Ejercito.
* * *
Seryoso na talaga sa pagiging maka-Diyos ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Nasubukan namin ito nang minsang dumalaw kami sa taping ng kanyang programa sa GMA7 na Manny Many Prizes.
Aba’y nagulat kami pagpasok namin sa kanyang dressing at mabungaran naming taimtim siyang nagbabasa ng Bible.
Anyway, tinapos muna niya ang Bible verses na binabasa niya bago niya kami hinarap.
Sa interview namin, sinabi niyang gusto na niyang maging daily ang Manny Many Prizes.
Pero, pinaunahan na kami ng Pambansang Kamao at Sarangani Congressman na kung magiging daily daw ang Manny Many Prizes, pagkatapos ng fight niya sa June sa Las Vegas, USA.
By the way, back to the 80's ang gimik ng Manny Many Prizes ngayong Sabado.
Humandang maki-hitback kasama sina Jonalyn Viray at Jaya. Ang mga makiki- Boksing-Along, bibirit ng awitin ng kanilang idol na si Whitney Houston bilang pagbibigay-pugay natin sa kontribusyon ni Whitney sa larangan ng musika.
Susugod naman sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City ang Pacquiaone, Pacquiaowin para mamakyaw ng mga paninda.
Makikipagkulitan din kay Ninong ang guest co-hosts na sina Maxene Magalona at Heart Evangelista.
* * *
TALAGA palang malaki ang crush ni Kiko Estrada, anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz, sa Kapuso star na si Sarah Lahbati.
Na-lovestruck daw ang 18 year-old na si Kiko kay Sarah sa una pa lang nilang pagkikita sa set ng Kokak kung saan din na-discover si Kiko ng GMA7 Executive na si Lilybeth Resonable. Isinama kaagad si Kiko ni Ms. Lilybeth sa Tween Hearts bilang binatang may sakit na mai-in love kay Barbie Forteza.
Balitang dahil sa good performance ni Kiko sa Tween Hearts, ikokontrata kaagad ng GMA7 ang young actor.
Samantala, ngayong Sunday ay panauhin sa Tween Hearts sina Julie Anne San Jose at Bubbles Paraiso.
* * *
SPEAKING of Albert Sunga, connected siya ngayon sa marketing department ng Ivory Record and Video.
Ang Ivory ang magre-release ng first local album ni David Archuleta sa Pilipinas, ang Forevermore. Pero, ‘di pa raw sure kung maka-kasama sa said album ang Nandito Ako single ni Da-vid.
* * *
NAKAUSAP namin si Julian Trono sa set ng Tropang Potchi kung saan isa siya sa mga mainstay ng programang pambata ng GMA 7.
Kuya ang turing kay Ju-lian ng mga kasamahan niya saTropang Potchi dahil siya’y 13 years old na kumpara sa edad nina Bianca Umali (12-yr.old) at Lenlen Frial (7-yr. old lang). Nahihiya raw si Julian na aminin na ang crush niya ay ang Hollywood Chloie Morets na bida sa Wimpy Kids at Hugo movies na pambata ring TV shows.
Anyway, wish ni Julian na sumunod sa mga yapak ni Dingdong Dantes, kahit pa sabihing close sila ni Mark Herras ngayon dahil pareho silang mainstay ng Party Pilipinas tuwing Sunday.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 196
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 285
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 149
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 222
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 220
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more