Alice: It's easier to be poor


SUPER-SEXY at super-ganda parin  ni Alice Dixson nang  humarap sa entertainment press kamakailan para sa launching ng mga bagong shows ng TV5 para sa first quarter ng taon.

Isa sa mga inilunsad ay ang first ever drama soap ni Alice na ipapalabas sa hapon ka-back to back ng Felina  ni Arci Muñoz, ang Isang Dakot Na Luha  kung saan makakasama niya si Danita Paner.

Sa panayam ng inyong lingkod kay Alice ay masayang sinabi nito na feel na feel niya ang kanyang bagong role kumpara sa huling ginawa niya sa TV5, ang Glamorosa.

Sa Isang Dakot na Luha  ay deglamourize ang beauty ni Alice. Mahirap kasi siya sa naturang soap.

Say ni Alice, mas madali sa kanyang gumanap na mahirap dahil hindi na raw kailangan pang magbihis nang magarbo at mag-make-up. Kahit ano raw ay puwede na niyang isuot hindi tulad ng  huli niyang  ginampanang character sa Glamorosa kung saan ay halos maubos ang kanyang talent fee sa mga damit na isusuot.

Isa pa rin sa mga natanong kay Alice ay ang pagiging childless nila ng asawang naka-base sa ibang bansa. Halos 12 years na silang nagsasamang mag-asawa, pero hindi pa rin sila nabi-biyayaan ng anak.

Ayon kay Alice, choice raw talaga nilang mag-asawa na ‘wag munang magkaanak dahil mas pinili raw  nilang ayusin ang kani-kanilang karir. Naniniwala si Alice na darating ang biyayang baby sa kanila sa tamang panahon.

Mariing sinabi ng magaling na aktress na wala silang diperensiyang mag-asawa at capable silang magkaroon ng baby.

*  *  *

HINDI naman itinatago ng beautiful young actress na si Arci Muñoz ang frustration niyang maging isang beauty queen.

Dati-rati, noong bago pa siya sa showbiz, ay sinasabi ni Arci na mas feel niyang maging beauty queen o ramp model kaysa maging isang artista.

Pero nang mapunta siya sa bakuran ng Kapatid Network ay naging bisi-bisihan ang kanyang beauty sa sunud-sunod niyang projects. Katatapos lang ng isang show niya, heto at title roler pa siya sa Felina na isang fantaserye hinggil sa babaing hindi tanggap ng lipunan dahil sa kanyang pagiging mukhang pusa.

Sa panayam namin kay Arci, feel pa rin niyang su-mali sa anumang beauty contest, pero hindi lang talaga siya nagkakaroon ng sapat na oras para paghandaan ang bagay na ito. Para kay Arci kasi, isang malaking preparasyon ang nararapat bago sumabak sa isang beauty pageant, lalo pa nga’t ang nakasalalay ay ang pagda-dala ng pangalan ng Pilipinas. Magkaganunpaman, bata pa rin naman daw siya at puwede pa ring sumali sa isang beauty pageant.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 195
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 284
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 149
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 222
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 220
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC