Sina Sharon Cuneta, Kris Aquino at Nora Aunor ang Top 3 female stars sa 20 top taxpayers for 2011. Si Megastar, nagbayad ng P100M, ang Superstar, nagbayad ng P57M at si Kris ay nagbayad ng P34M.
Hindi pa siguro kasama rito ang P1-B talent fee ni Sharon sa TV5, ibig sabihin, mas malaki pa ang babayaran niya sa BIR next year.
Samantala, sa March na raw magsisimula ang daily talk show ni Sharon sa TV5, hintayin natin ito.
* * *
Matitigil na siguro ang speculation na lilipat sa ABS-CBN si Carla Abellana dahil ibinalita na ni Richard Gutierrez na isa ang aktres sa mga makakapareha niya sa action-drama soap na gagawin sa GMA-7. Nagbabakasyon sa States si Carla, hindi siya mahihingan ng reaction dito.
Isa pa sa leading ladies ni Richard si Sarah Lahbati na tuwang-tuwa dahil after Kokak, primetime soap na ang gagawin at si Richard pa ang kapareha.
Dapat kasama rito si Jennylyn Mercado, pero hindi na yata tuloy, bakit kaya?
Sabi, si Ricky Davao ang magdidirek ng soap ni Richard, first primetime niya ito at tiyak na mas tataba siya at dadami ang putting buhok sa stress. Matanong nga si direk kung package deal sila ni Sarah dahil siya rin ang director ng Kokak.
* * *
Babalik na sa England si Charlie Green bukas, February 19, after i-promote ang second album niya sa Viva Records titled Rainbow.
Isa rin ang song sa 12-track album recorded in Italy and U.S.A. Ire-release sa Europe, South America, UK, Philippines, China at Japan ang album, kaya isinama ang Sukiyaki.
Heavy ang British accent ni Charlie, kaya nakakatuwang kinanta niya ang Kumusta Ka nang walang accent.
Sabi ng isa sa composers nitong si Baby Gil, nagulat siya nang piliin ang song na isama sa album na may six original at six cover songs kabilang ang Daydream Believer ng Monkees na nagpa-LSS sa amin.
Nagkasakit si Charlie after guesting sa concert nina Sharon at Martin Nievera at two days na-confine, pero okay na siya nang makausap namin.
Sabi nito, nag-a-adjust siya dahil nagbabago ang boses niya. Sina Michael Jackson, Michael Buble, Martin, Sarah Geronimo, Billy Crawford at Gary Valenciano ang idols niya.
* * *
Magkakaroon ng marathon airing ang Valiente tonight sa TV5.
Muling mapapanood ang pagsisimula ng remake ng teleserye, ang mga eksenang tumatak sa viewers at makikilala ang karakter na bumubuo nito.
Balikan ang relasyong nag-uugnay sa pamilya Braganza at Valiente.
Masindak sa kasamaan ni Donya Trining (Jaclyn Jose) at tunghayan ang mga kapana-panabik na eksena na sinusubaybayan ng viewers.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 195
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 284
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 149
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 222
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 220
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more