Actor buried in debt


BLIND item: Ba't kami?

Hindi naman kami ang manager ng aktor na ito? Ba't sa amin magrereklamo tungkol sa ginagawa nitong pangungutang kung kani-kanino?

Ilan na ang lumapit sa amin para ireklamo ang aktor. Ang drama ng aktor ay ganito: Sa Twitter ay kung sinu-sino ang nagtu-tweet at nagpaparamdam ng paghanga sa kanya. Ito ay rereplayan niya.

Hanggang sa magkita sila ng Twitter follower niya at ’pag nagkita na, nangungutang na ng limang libo, sampung libo at ang inirarason ay ang kaanak niyang may malubhang karamdaman.

Gusto naming intindihin ang pinagdaraanan ng aktor, dahil totoo naman ang kanyang sinasabi. 

Ang nakakalokah lang, kakikilala pa lang ay inuutangan na raw nito, kaya medyo nawiwirduhan ang mga nagrereklamo sa amin.

"Eto nga, nanghihiram siya ng P5,000, ako naman, ready na 'ko to give, pero ang sinabi niya sa akin, ‘hindi pa kasi ako nakakabayad ng apartment, eh!'

“Nagtataka 'ko. 'Kala ko ba, para sa kaanak niya 'yung hinihiram niya? Ba't para sa apartment na?"

Ang masaklap daw na katotohanan, sa Facebook ay ang saya-saya ng mga retrato ng aktor. Kung saan-saang mamahaling restoran kumakain. 

Tapos, can afford pang mag-beach, pero limang libong piso raw, wala?

Hay, naku, sana ay itigil na ito ng aktor. O kaya ay manghingi na lang siya nang diretso at 'wag na niyang paasahing magbabayad siya kung ganitong kung sinu-sino na ang inutangan niya, pero ni ha, ni ho, wala siyang sinasabi kung kelan siya magbabayad.

Naranasan na rin ng isa naming friend na pahiramin siya ng beinte mil, pero pinatalbog lang niya ang tsekeng inisyu niya.

Tseke?

Yes, tseke!

* * *

Ayaw nang lumabas ng bahay ni Joem Bascon. Hindi naman niya sinasabing natatakot siya, gusto lang niyang 'wag ma-experience na baka batuhin siya ng mga galit sa kanya, sapakin siya, pagbantaan siya.

"Ayoko 'yon, kaya stay muna ko sa house, hahaha!"

Hate na hate ng mga tao ngayon ang karakter niya bilang si Tomas sa Walang Hanggan. Ayaw ng mga tao na inaapi niya si Coco Martin.

"'Yung iba, maiintindihan ako, dahil du'n lang naman ’yon sa teleserye eh. Pero 'yung iba, naghuhuramentado sa karakter ko, kaya behaved muna 'ko sa pag-alis-alis! Hahaha!"

Sabi nga namin, at least, 'yung galit ng tao ay resulta lang ng very effective portrayal niya.

* * *

Mamayang gabi na at 7 ang advanced screening ng Dyagwar, ang indie film na sinulat at pinrodyus namin, sa UP Film INstitute sa UP Diliman. 

Director's cut ito ni Sid Pascua at higit sa lahat, free admission sa mga nag-post ng kanilang names sa fanpage ng Dyagwar.

Dalawang gwardiya: Sina Eric Fructuoso at Boom Labrusca. Ang isa'y parang pastor na mahusay mag-advise, pero tutuksuhin ng isang prosti (played by RR Enriquez) at malalagay sa "alanganin," dahil ang baklang landlady (Chiokla Gaston) ng binabantayang compound ay malaki ang gusto sa kanya.

'Yung isa nama'y "mahilig" na gwardiya na ’pag nagpaparaos ay "nakakatulong" sa mga tenant. 

Paano nangyari 'yon? At ano rin ang kinalaman ng katabing "banyo" ng guard house? Saksi ito saan?

At bakit sa ending? Umiiyak ang dalawang gwardiya?  Ano ang kanilang pinasok na problema at paano nila  lulusutan ito?

Kasama rin sina Marissa Sanchez, Alex Calleja, Tado, Bentot Jr., Randolf Stamatelaky, Arran Sese, Alloy Noronia, Jed Montero, April Sun at ang reporter na si Rommel Placente.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 195
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 284
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 149
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 221
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 220
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC