INAMIN sa isang interview ni Aljur Abrenica na hindi na raw sila nagkikita ni Kylie Padilla.
At may bagong special girl na raw siya ngayon, ang dati niyang kasamahan sa StarStruck 4 na si Ava Jugueta, na member ngayon ng isang singing group.
Kuwento ni Aljur, nagtagpo raw ang landas nila ni Ava sa Twitter.
“Iisa kasi ang hilig namin -- music. Magkaibigan lang naman kami. Pero may isang bagay kaming pinagkakainteresan.”
Busy daw si Aljur ngayon kaya hindi masyadong nakaka-gimik. May movie siya with Rhian Ramos under GMA Films, at may Spooky Nights siya entitled “Manibela,” na mapanood sa Sabado, pagkatapos ng Manny Many Prizes.
* * *
SPEAKING of Manny Many Prizes, maraming dapat abangan sa game show ni Pambansang Kamao dahil sangkatutak ang magiging surprise ni Ninong Manny.
Dahil laging nasa mood na magtrabaho si Pacman, may balak daw ang Pound for Pound Boxing King na gawing daily ang kanyang game show.
Kaya ngayon pa lang, excited na ang libu-libong fans ni Manny dahil araw-araw siyang mamumudmod ng libu-libong piso sa mga contestant.
Ngayong Sabado, live na mapapanood si Pacman sa Manny Many Prizes.
* * *
MORE than one month na sa bansa ang American Idol star na si David Archuleta.
Dati, soap lang ang kanyang gagawin na Nandito Ako. Tapos, humaba na ang stay niya dahil gumawa pa siya ng local album entitled Forevermore na ire-release under Ivory Music and Video na mabibili na sa March.
Sabi noon ni David, three weeks lang siya mag-stay sa bansa para tapusin ang Nandito Ako na mapapanood na sa Feb. 20.
At nu’ng supposed-to-be, babalik na si David sa Amerika sa huling presscon ng Nandito Ako, hindi pala siya natuloy at nagpahinga lang ng ilang araw sa Singapore.
Then, bumalik siya sa bansa para simulan ang pagre-record ng album niyang Forevermore. Ilan sa nag-compose ng kantang nakapaloob sa album ni David ay sina Ogie Alcasid, Louie Ocampo, Jay Durias, Jimmy Antiporda, Cecil Azarcon at iba pa.
Bukod sa Nandito Ako, kasama rin sa album ang Forevermore, You Are My Song, I’ll Never Go, Reaching Out, Rainbow, Tell Me, Hold On at iba pa.
Last Valentine’s Day, working day pa rin ito kay David dahil gumawa siya ng video para sa kanyang album. Nag-guest appearance din siya sa concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na Mr and Mrs A.
Say nga ni David, ibang klase raw ang pakikitungo sa kanya ang mag-asawang Ogie at Regine. Happy din daw siya dahil sobrang init ang pagtanggap sa kanya ng Pinoy audience sa guesting niya sa Mr. and Mrs. A concert.
* * *
NAG-PROMISE si Paolo Bediones sa presscon para sa First Quarter Surge ng TV5 na pagdating niya niya sa edad na 40, mag-aasawa na raw siya.
“Kailangan ko pa ngayon ay girlfriend, nakikipag-date pa minsan-minsan. Pero wala pa akong kare-lasyon ngayon. Tutok ang oras ko sa apat na shows ko sa TV5. Hindi biro ang trabahong ito dahil part pa ako production na nagku-conceptualize ng show. Kaya ang trabaho ko sa TV5, hindi biru-biro. Paano pa ako makakapag-concentrate para manligaw ngayon?” pag-amin ni Paolo.
Kasama siya sa kabubukas na Good Morning Club, na ang call time niya ay 4 am araw-araw at natatapos sa alas-8 ng umaga.
Kaya naman daw niya tinanggap ang ganito karamaking workload, dahil na-challenge siya.
Hindi na raw pinag-uusapan ang suweldo dahil sanay na raw siyang tumanggap ng mataas na salary, kahit noon pang nasa GMA7 siya.
* * *
LAST Valentine’s Day, ka-date raw ng bida ng Felina ng TV5 na si Arci Muñoz ay isang member ng banda.
Pero ayaw i-reveal ni Arci kung sino ito, unlike noong naging sila ni Kean Cipriano.
Hindi raw nagbago ang ideal man niya, kasi taga-banda pa rin ang idini-date niya.
Katwiran ni Arci, hilig din kasi niya ang pagbabanda at may album na nga raw ilalabas ang grupo niya this March.
Very happy naman naman si Arci kasi sa kanya ibinigay ng TV5 ang Felina, na first starring role niya.
* * *
PATULOY ang kulitan sa Bubble Gang ngayong Friday nina Ogie Alcasid at Michael V sa kanilang Che-Che Bureche segment. Sino kaya ang mananalo sa kanila? May pakakawalan din na bagong linya si Boy Pick Up.
Ayon sa tsika, totoo na palang gagawing movie ang Boy Pick Up, na co-prod ng Regal at GMA Films. Alam ba ninyo ang final choice na leading lady ni Ogie ay si Solenn Huessaff?
At siyempre, kasama pa rin si Sam Pinto.
* * *
KUNG sa tingin ninyo, maliit si Sweet Ramos, aba, mas maliit pa rin pala ang bida ngayon ng Biritera na si Roseanne Magan.
Magkalaban sina Sweet at Roseanne sa Biritera soap at ayaw patalo ang nanay ni Sweet sa istorya na matalo sa contest ang anak.
Kaya gagawin niya ang lahat kahit gumastos ng pera manalo lang ang anak.
Pero ang suwerte ay ma-pupunta pa rin kay Roseanne dahil hindi papayag si Dennis dahil magaan ang loob niya sa bata at sobrang nagandahan sa boses ni Roseanne.
Naging internet sensation si Roseanne sa istorya kaya sikat na rin siya sa mga mahihilig sa YouTube.
Sundan ang pagtatapat nina Sweet at Roseanne sa Biritera sa GMA7.
* * *
LALONG nagiging kasa-bik-sabik ang nalalapit na pagtatapos ng Kokak, tampok sina Sarah Lahbati, TJ Trinidad at JC Tiuseco.
Sa takbo ng istorya, nabaril si Gary Estrada ng real father ni Kara (Sarah).
Hinarang ni Gary ang katawan para hindi mabaril ang mag-ina na sina Kara at Jessa Zaragosa.
Makaligtas kaya si Gary sa pagkakabaril sa kanya?
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 193
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 282
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 147
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 220
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 219
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more