Kung ang motto ng TV5 last year, maging no. 2, ngayong 2012, ang target nila, lagpasan ang lahat ng kakumpitensya, meaning pipilitin nilang maging no. 1 ngayong taon, huh!
And to do that, mga bagong naglalakihang show ang handog nila sa televiewers at talagang makikipag-compete na sila, side by side, hour per hour, sa ABS-CBN at GMA7.
Ang pinaka-ambitious project nila ay ang kanilang kauna-unahang daily afternoon show na Game ‘N Go na pangungunahan ni Edu Manzano. Sasamahan siya nina Arnell Ignacio, Gelli de Belen, Shalani Soledad-Romulo, Tuesday Vargas, Wendy Valdez, Pretty Trizsa at marami pang iba.
Super-naglalakihang prizes ang pang-come on nila sa televiewers kung saan puwedeng manalo ng P1M! Ie-ere ito nang live araw-araw simula sa March 10 mula sa Delta Theater.
Tatapatan nina Edu at Arnell sina Vic Sotto at Joey de Leon ng Eat Bulaga at panlaban naman ng Game ‘N Go si Pretty Trizsa kay Vice Ganda ng Showtime!
Nauna lang si Vice kay Pretty Trizsa ng one year noong 2000 sa comedy bars, pero puwedeng-puwede itong tapatan ni Pretty Trizsa sa pagalingan sa pagpapatawa at pagkanta.
And what’s more, mas lovable si Pretty Trizsa at hindi siya kinaiinisan ng televiewers!
Hindi na nga babalik pa si Shalani sa Wil Time Bigtime dahil isa siya sa regular hosts ng Game ‘N Go na daily din!
Ang tanong ngayon, titigilan na ba ni Willie Revillame ang pag-endorso sa Eat Bulaga ngayong may sa-riling daily noontime show na ang TV5?
* * *
Aba, natalbugan na si Alex Gonzaga ni Paolo Bediones pagdating sa paramihan ng shows sa TV5!
Kasama si Paolo sa daily morning show na Good Morning Club na umeere ng 5-7:30am at apir din siya sa daily late news program na Pilipinas News tuwing 11 pm.
What’s more, kasama rin siya sa bagong in-depth documentary na Insider na ipa-palabas tuwing Huwebes, 10:15 pm. Plus, magde-debut na, finally, ang kanyang show na Extreme Makeover Home Edition nga-yong March 26.
Not to mention na on-going pa rin ang kanyang Uzi show and he is also most likely to host the Amazing Race Phils (kapalit ng kanyang Survivor Phils sa GMA7 dati).
Wow, that makes six regular shows at dalawa rito ay daily!
Hindi na kami magtataka kung sa TV5 na mismo nakatira ngayon si Paolo B!
* * *
Take note, ang dami na ring commercials ang pumapasok sa shows ng TV5.
Nagulat kami sa dami ng commercials na umere nu’ng nanood kami ng Valiente. At expected namin na bonggang commercial load rin ang papasok sa Nandito Ako, na magsisimula na sa Lunes, dahil bida rito ang sikat na international singer na si David Archuleta.
At may afternoon soaps na rin ang TV5 ngayon -- ang Felina ni Arci Muñoz at Isang Dakot na Luha ni Danita Paner with Alice Dixson.
Kaya labanan to the max na ito!
Hindi na rin solo ng GMA ngayon ang basketball hottie na si Chris Tiu dahil may regular comedy game show na rin ito sa TV5, ang Toink! Sino Ang Tama! with Alex Gonzaga airing every Sunday, 2:30 pm.
* * *
Pagkatapos na palayasin sa PCSO compound ang CHILD Hauz (Center for Health Improvement and Life Development), may bago na itong tahanan ngayon sa Ofelia Subd., Proj. 8, QC.
At nitong nakaraang Valentine’s Day, nagdaos ng gift-giving si Mother Ricky Reyes sa mga batang may cancer na nakatira sa Child Hauz at sa mga pamilya nito. Nakikisama kami sa magandang adhikain na ito ni Mother Ricky.
And may his tribe increase!
* * *
Tuloy na tuloy na nga ang Boy Pick-Up: The Movie at co-prod ito ng GMA at Regal Films.
Kasama sa movie ang buong cast ng Bubble Gang, including Sam Pinto. Pero mananatiling leading lady ni Ogie Alcasid si Solenn Huessaff.
Anyway, guests sina Dennis Trillo, Mikey Bustos, Ynah Asistio, Bianca King at Bella Padilla this week sa Bubble Gang.
Kasama sila sa Ayaw Pahalik gags at Skyflakes (first suweldo) commercial spoof. Sino si Antonietta at ang Pamilya Salbahe at bakit ayaw nila sa Serious Jokes at Torture Mime? Panoorin ang Anti-Buryong Tips ni Ogie to fight boredom.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 193
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 281
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 147
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 220
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 219
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more