Claudine leaving GMA-7?


Nakabalik na sa bansa sina Raymart Santiago at Claudine Barretto mula sa European vacation.

Hindi alam ni Claudine na may big issue sa kanya habang wala siya, kaya isa sa mga unang ginawa’y basahin ang sinulat ni Dolly Anne Carvajal tungkol diumano sa conflict nila ni Carmina Villarroel sa isang TVC shoot.

Ang isa pang isyu kay Claudine ay ililipat na raw siya ni Vic del Rosario sa TV5 dahil wala nang kontrata sa GMA-7 at nag-guest lang sa Biritera.        

May taping pa ito sa soap, flashback scenes ang kukunan, sa taping na siguro siya mai-interview.

* * *

Naawa si Cesar Montano sa asawang si Sunshine Cruz dahil hindi sila nakapag-celebrate ng Valentine’s Day.

Nagda-dubbing daw siya ng Hitman at inasikaso pa ang post-production ng action movie na showing sa February 22.

Mga 10:30 p.m. na raw siya natapos, umorder na lang sila ng manok sa JT’s Inasal at malamig na nang kainin nila.

Babawi na lang daw siya sa wedding anniversary nila sa Feb. 23, the day after the opening of Hitman at mas masayang selebrasyon daw kung maganda ang box-office result ng movie na may PG-13 rating.

Nadagdagan ang papel ni Cesar sa movie dahil hindi lang siya ang producer, director, actor at sumulat ng story, siya na rin ang gumawa ng theme song nitong Oh, Diyos Ko.

Pero sa mall tour nila ni Sam Pinto, Cruisin’ ang kakantahin nila na si Sunshine pa ang pumili, so, not true na nagseselos ang asawa sa kapareha.

After the showing of Hitman, gusto ni Cesar na agad simulan ang next movie niya na isa ring action movie at kung makakaya, two movies pa ang gagawin this year.

Gusto niyang i-remake for 2012 MMFF ang Maestro ni Fernando Poe Jr. na sinulat ni Direk Carlo J. Caparas at ang Viva Films na ang may-ari.

Willing maglagay ng patilya si Cesar gaya ni FPJ.

* * *

Nagsimula nang i-promote ni Chris Tiu sa Twitter ang Pilipinas EcoWarriors na kanyang kinabibilangan.     Kinukumbinse nito ang followers niya na pumirma para maging ecowarriors dahil kailangan ng one million members nationwide para tumulong mangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagre-report ng mga maling ginagawa ng kapwa gamit ang social media network.

Idea ni Migz Zubiri ang Pilipinas EcoWarriors at isang sabi lang niya kina Chris, Rico Blanco at Doc Nelson Donato, agad pumayag ang tatlo na mamuno sa movement.

Gagamitin nila ang Internet, YouTube, Facebook at iba pang social media network para lumaganap ang movement.

Katulong nila rito ang DENR at ang wildlife conservationist na si Indira Lacerna-Widmann ng Katala Foundation.

Sa March 14, sa Quezon City Memorial covered court ang launching ng Pilipinas EcoWarriors through a concert na sasalihan ng maraming banda at singers.        

Dito na rin yata unang iparirinig ni Rico ang sinulat na theme song ng EcoWarriors.

* * *

Itinanggi ni Manny Valera ang tsismis na nanganak ang talent niyang si Jennica Garcia kaya matagal nawala sa showbiz.

Never daw nanganak ang dalaga, natagalan lang mabigyan ng new project ng GMA-7, pero worth the wait ang My Beloved, kung saan kapatid ni Marian Rivera ang role nito.                                                                           

Ang BF na si Alwyn Uytingco ang itinurong ama ng batang isinilang ni Jennica na nag-deny din, pero matutuwa raw siya kung totoo.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 193
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 281
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 147
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 220
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 219
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC