Oyo just wants somebody to love Vic through thick and thin


NASAKYAN na ni Oyo Sotto ang kalakaran sa showbiz. Pero never niyang pinairal sa trabaho na anak siya ni Vic Sotto, huh!

“Hindi dapat ’yon! Hahaha! Pero natuto na rin ako dito sa showbiz. Kahit gaano ka kabait, talagang hindi mo naman mapapasaya lahat. Hindi naman lahat ng tao, gugustuhin ka. Hindi lahat ng tao, matutuwa sa ’yo.

“So, dapat handa ka roon. Marami pa ring tumitira sa ’yo. Wala ka namang ginagawa. Maraming nagagalit sa ’yo. Part ’yon ng show business. Tanggap ko na ’yon!” paliwanag ni Oyo sa press launch ng bagong shows ng TV5 kabilang ang show niyang Valiente.

Pero aminado si Oyo na meron siyang limitasyon pagdating sa pagiging artista.

“Sa akin, ayoko ng bed scene. Ayoko ng kissing scene. Ayoko ng topless… ayoko! Hahaha!” saad niya.

Nakatulong ba ang pagiging artista niya sa pananaw niya ngayong may asawa na siya?

“Siyempre, iba na ang pananaw mo kapag may asawa ka na. Hindi lang naman dahil sa trabaho. Siyempre, ’yung good moral as a person na nakikita ka ng mga bata. Lalo na nu’ng ginagawa namin ’yung Midnight DJ at Bangis, mga bata ang followers namin. 

“Talagang nasa utak ko, kailangan, ikaw ’yung iniidolo nila. Kung ano ang nakikita sa ’yo, ginagawa ng mga bata. So, nag-iiba ang pananaw ko. Kailangan maging mabuti kang tao. Hindi naman ako masama! Hahaha!” ayon pa sa young actor.

Mabuti ba naman siyang asawa?

“Yes!” tugon niya.

Paano naman niya nagagampanan ’yung duty niya bilang asawa’t ama?

“Plus (factor) ’yung kay Direk Joel Lamangan. Pinaka-late kong uwi is 1:30 a.m. Hindi kami napupuyat nang sobra. I make it a point na every other day, walang trabaho, talagang spend time with Tin at sa mga bata,” rason ni Oyo.

Eh, ano naman ang wish niya sa ama kung sakaling mag-asawa uli ito?

“Someone na alam ko, kapag matanda na si daddy, talagang matanda na… ’yung hirap na siyang maglakad, tipong talagang hindi na niya kaya… nandiyan pa rin sa tabi mo. ’Yung aalagaan siya. ’Yung walang pakialam sa sasabihin ng tao, pero…

“Hindi naman caregiver! Hahaha! Basta ang alam ko lang, ’yung pagmamahal niya, ’yung tunay! Aalagaan siya, through thick and thin talaga,” katwiran ng young actor.

Eh, sa mama niya na balitang may boyfriend na rin?

“Si Mama… actually kung sila na talaga... wala pa namang confirmation mula kay Mama. Hindi ko pa siya natatanong kung sila na ng vice governor. Mukha namang mabait si vice,” sagot niya.

Eh, si Daddy niya?

“Parang dati, narinig ko sa interview niya na wala na siyang balak pakasal. Ewan ko lang. Kasi nagbabago naman, eh. Sa isang oras lang, may nangyayari. Hindi natin alam. Baka sa susunod na buwan, maisipan niya! Hahaha!” sagot ni Oyo.

* * *

NAGPASILIP na ng kanyang katawan si Alden Richards sa kalalabas niyang billboard ng isang clothing apparel.

Buong pagmamalaki ngang nag-tweet ang young actor tungkol dito at nagpapatulong na maging trending ito sa Twitter.

Half-naked lang naman ang ipinakita ni Alden sa twitpic na nakita namin.

Patunay lang na wala itong arte sa pagiging sexy lalo na’t may blessing ng GMA Network.

Once maayos na maayos na ang abs at porma ng katawan, magpapasilip na rin tiyak ng bukol si Alden na hindi niya puwedeng gawin sa primetime series niyang My Beloved, huh!



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 193
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 281
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 147
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 220
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 218
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC