Shalani ready to move on


Isa si Councilor Shalani Soledad-Romulo sa hosts ng bagong game show ng TV5 na Game ’n Go with Edu Manzano bilang main host at kasama rin nila sina Arnell Ignacio, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, Pretty Triszha at April "Congrats" Gustillo.

Sa bonggang launching ng TV5 para sa mga bagong show kabilang na ang Game ’n Go sa NBC Tent sa The Fort last Tuesday, isa sa mga dumalo si Shalani kaya nakapanayam siya ng entertainment press.

Sa nasabing panayam,  nilinaw ng press sa bagong kasal na konsehala kung totoo ang napabalitang nag-iiyak siya nang sabihin  ng business unit head ng Wil Time Bigtime na si Jay Montelibano na tsugi na siya as co-host sa nasabing show ni Willie Revillame.

Ayaw nang magsalita pa ni Shalani at mas gusto niyang pag-usapan na lang ang bagong game show.

"I think in life, there are some things na when it hits you, medyo malungkot. But then, you also have to move on, you also have to be thankful for other opportunities that are being given you,” pahayag ni Shalani.

Nang tanungin kung nagkausap na sila ni Willie, wala ring diretsang sagot ang konsehala.

"With regards to Wil Time Bigtime, I think it would be better to ask them also for specifics. I've spoken with our business unit head and I've said, alam naman nila, sinabi ko rin that TV5 is offering me a show and I also told them that I'm considering accepting it.”

Iba rin ang sagot ni Shalani nang tanungin kung nagkaka-text sila ni Willie.

"Ako, I have nothing but gratefulness, really, for the show,” say niya.

Matatandaang pansamantalang nag-leave si Shalani last January sa show para sa kanyang kasal with Congressman Roman Romulo kamakailan.

Ang alam ng marami, babalik pa siya sa show, pero hindi na nangyari ito dahil tinanggal na nga siya at ang sinasabi umanong dahilan ay hindi na kikiligin ang mga manonood sa kanila ni Willie at hindi na siya mabibiro dahil may asawa na nga siya.

Samantala, mapapanood na ang Game ’n Go ngayong Marso at makakabangga nila ang It’s Showtime at Eat Bulaga sa tanghali.

Pero say nila, hindi sila nakikipagkumpetensiya aside from the fact na game show ang sa kanila at hindi talaga variety show tulad ng mga katapat.

Bukod sa Game ’n Go, kasama rin sa mga bagong show ng Kapatid Network ngayong first quarter ang Good Morning Club, isang morning show na pangungunahan nina Cheryl Cosim, Martin Andanar at Paolo Bediones, Valiente nina Oyo Sotto at JC de Vera, Nandito Ako starring David Archuleta, Jasmine Curtis and Eula Caballero, Felina ni Arci Muñoz, Isang Dakot na Luha ni Alice Dixson, Kapitan Awesome, Toink Sino ang Tama and Extreme Makeover Home Edition Philippines, among others.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 193
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 281
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 147
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 220
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 217
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC