ANG haba-haba talaga ng hair ni Kokak girl Sarah Lahbati, huh!
Bukod kasi sa na-link siya sa tween star na si Derrick Monasterio, heto at may bago na namang tsika, linking her not only to one but two guys -- kina JC Tiuseco at Carlo Aquino.
Ang tsika, bukod kay Derrick na open na open sa panliligaw sa magandang young actress, masugid na manliligaw din umano ngayon ni Sarah sina JC at Carlo.
Sa isang interview, natatawang nagkomento ang magandang dalaga hinggil sa isyu.
Say ni Sarah, hindi raw totoo na nanliligaw si Carlo sa kanya. Kung sakali mang nakita silang magkasama, ito ay dahil nag-aaral siyang mag-gitara at nagkataon na ang nagtuturo sa kanya ay kaibigan ni Carlo, kaya sila personal na nagkakilala.
Mariin ding idinenay ni Sarah ang panliligaw ni JC sa kanya.
Giit ni Sarah, good friends lang daw talaga sila ni JC, na nagsimula nu’ng magtambal sila sa Kokak ng GMA7.
Wala na raw kasing ilangan sa kanilang dalawa ngayon at walang malisya kung sakaling makita man na sweet sila sa isa’t isa.
And speaking of men, tiyak na may madaragdag sa listahan ng mga “lalaki” ni Sarah.
Isa kasi si Sarah sa magiging leading ladies ni Richard Gutierrez, bukod kay Carla Abellana, na malabo na raw lumipat sa ibang istasyon tulad ng mga naglabasang tsikang mag-o-ober da bakod ang aktres.
Sa ganda ni Sarah, and knowing Richard na lapitin ng magagandang babae, hindi kaya mahulog din ang loob nila sa isa’t isa?
* * *
IGINIIT ni Jennica Garcia na hindi siya buntis, tulad ng tsikang kumakalat.
Lumabas ang intrigang ito nang “namahinga” sa showbiz si Jennica nang halos isang taon, na huling napanood sa Bantatay.
Say ni Jennica, nasa bahay lang daw siya at naghihintay ng bagong project at hindi totoong buntis siya kaya nawala siya sa sirkulasyon.
Dagdag pa ni Jennica, hindi lang daw ang pagbubuntis ang intriga sa kanya, kungdi break na rin daw sila ng dyowang si Alwyn Uytingco.
Ikinagulat ito ni Jennica at sinabing sinabing hindi pa sila hiwalay ng BF at smooth-sailing pa rin ang kanilang relasyon.
Ngayon, nagbabalik sa limelight si Jennica, dahil kasama siya sa My Beloved nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA7, kung saan gaganap siya bilang younger sister ni Ma-rian na inaaapi ng kanilang auntie, na ginagampanan naman ni Chanda Romero.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 193
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 281
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 147
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 220
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 217
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more