“TV5 is a major production,” ito ang maikling mensahe ni TV5 president, Atty. Rey Espinosa, sa presscon na ginanap sa NBC Tent, Fort Bonifacio, Taguig City.
Ipinakita at ipinakilala sa press people ang mga naglalakihang shows ng TV5 nga-yong 2012 -- Good Morning Club, Nandito Ako, Felina, Isang Dakot na Luha, Toink! Sino ang Tama?, The Biggest Game Show in the World Asia, Insider, Pilipinas News, Game ‘N Go at Extreme Makeover Home Edition Philippines.
Katunayan, ilan sa shows na ito ay nag-umpisa na last Monday, tulad ng Valiente starring Oyo Sotto, JC de Vera, Nadine Samonte, Nina Jose, Gina Alajar, Mark Gil, Jaclyn Jose at ang original cast sa Valiente noon na si Michael de Mesa.
Speaking of Oyo Boy, happy ito dahil sa kanya napunta ang long-running teleserye noon ng amang si Vic Sotto sa GMA7.
“Sana kung paano tinang-kilik ng mga tao ang Valiente ni Daddy, ganu’n din sana sa amin,” say ni Oyo.
Masaya si Oyo habang nakikipag-usap sa amin lalo pa’t ang topic ay ang misis na si Kristine Hermosa at ang kanilang two-month old baby.
“Hindi namin masyadong ipinagkakatiwala sa yaya ang bata. Kapag may mga importante lang kaming lakad ni Tin. Pero kapag wala, kaming dalawa ang nag-aalaga, halinhinan kami,” kuwento ni Oyo.
“Nagpapalit ako ng diaper,” sabi pa ng very proud father.
Kinumusta rin namin si Kristine kung balak ba nitong magbalik-showbiz.
“Ang alam ko, oo. At alam ko hindi na naman siya exclusive sa ABS-CBN siguro kung may mga offer at kung alam niya kung ano ang maganda, eh, siya na ang mag-dedesisyon du’n. But right now, naka-concentrate pa siya sa baby namin. Sobrang nagi-enjoy siya sa pag-aalaga,” sagot ni Oyo.
Siyempre natanong din siya tungkol sa relasyon ng kanyang ama kay Pauleen Luna.
“Kung ano ang nasabi ko sa Twitter, ‘yun na ‘yun, eh,” say ni Oyo.
Naniniwala ba siyang may relasyon ang dalawa?
“Si Daddy kasi kapag may karelasyon sinasama niya ito sa family gatherings. Pero si Pauleen, never pa namang naisama ni Daddy.”
Hindi rin daw naman nila pinag-uusapan ang tungkol kay Pauleen kapag nagkikita silang mag-ama.
Aminado naman si Oyo na magkaibigan sila ni Pauleen, pero ngayon daw na may lumabas na isyu sa kanila ni Vic, nagkaroon na ng lamat ang kanilang pagkakaibigan. At never pa raw silang nagkita ulit ni Pauleen.
Tungkol naman sa biglang pagko-collapse ni Pauleen nu’ng Monday sa Juan For All, All For One segment ng Eat Bulaga habang nasa Davao ito, aniya, “hindi ko napanood nu’ng araw na ‘yun eh, pero nabalitaan ko nga. Sa video clips ko na lang nakita.”
Sabi namin, nagbiro si Vic kay Allan K kung hindi raw ba naghahanap ng maasim si Pauleen?
Tawa lang ang naging sagot ni Oyo.
* * *
KASAMA rin si Nina Jose sa Valiente at pinutakti ito ng tanong tungkol kina Vic Sotto at Zoren Legaspi.
Paliwanag ng sexy actress, walang isyu sa kanila ni Vic at tungkol naman kay Zoren, magkaibigan lang daw sila ng mister ni Carmina Villarroel.
Ayon pa kay Nina, hindi naman siya magde-deny sa kanyang lovelife, katunayan inamin niyang may BF siyang businessman na si Josh Calata.
“No talaga. I wouldn’t deny it if ever na I have someone in my life,” say ni Nina.
Very happy daw ang dalaga sa kanyang career dahil bukod sa Valiente, kasama rin siya sa Jose and Wally, Starring Vic Sotto na napanood din sa TV5.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 191
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 279
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 146
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 219
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 217
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more