HIWALAY na pala ang dating teen-star na nagkaroon ng relasyon sa isang kilalang negosyante na nasa real estate at shopping mall business. May dalawang anak ang dating young actress sa nasabing negosyante. Na-realize marahil ng actress na kahit kumportable siya sa kanyang kinalalagyan, hindi pa rin matiwasay ang kanyang isipan at pakiramdam niya'y dahil nananatili siyang "other woman." Ganunpaman, well-provided pa rin ang actress at dalawa niyang anak ng kanyang businessman (ex) boyfriend.
Looking forward ang actress na makakahanap pa rin siya ng future partner na handa siyang pakasalan at mahalin maging ang dalawa niyang anak. Maganda pa rin ang actress now in her 30s.
ABS-CBN, PINATATAHIMIK ANG MGA ARTISTA
IBANG klase talaga mangalaga sa kanilang mga talents ang Star Magic ng ABS-CBN. They do not only mold and build them up kundi pino-protektahan pa nila ito laluna kung nai-involve sa mga kontrobersiya o intriga. Tulad na lamang ng kaso ni Maricar Reyes na isa sa mga babaeng nasangkot sa video scandal ni Hayden Kho. Napangalagaan nila ito nang husto by not allowing her to talk about the issue. Nag-die down ang issue at binigyan nila si Maricar ng sunud-sunod na magagandang projects.
Nanatiling tahimik lamang si Piolo Pascual sa controversial break-up nila ni KC Concepcion. Madali rin namatay ang issue sa suntukan issue sa pagitan nina Matteo Guidicelli at Coco Martin na may kinalaman kay Maja Salvador na ginanap sa ball ng Star Magic na ginanap sa Manila Peninsula Hotel last year. Maging ang untimely na pagbubuntis ni Andi Eigenmann courtesy of Albie Casino na talent din ng Star Magic.
Kapag nai-involve ang Star Magic talent sa isang kontrobersiya, maganda ang ginagawang `damage control’ ng talent management ng ABS-CBN.
Alam din ng publiko na si Paulo Avelino ay isang binatang ama pero magmula nang lumipat si Paulo ng ABS-CBN mula GMA, walang pinag-uusapan tungkol sa girlfriend nitong si LJ Reyes at ng kanilang love child na si Ethan Akio.
PAULO, LJ WALA PANG PLANONG PAKASAL
HANDS-on mom si LJ Reyes pagdating sa pag-aalaga sa kanyang baby by Paulo Avelino na si Ethan Akio. Alam ni LJ na hindi panghabang-buhay ang showbiz kaya kahit hirap siya, pinipilit niyang makapag-tapos sa kanyang pag-aaral sa De la Salle University kung saan siya kumukuha ng Economics. Kung hindi lamang sa kanyang pagbubuntis at panganganak kay Aki, nakapagtapos na sana si LJ.
Sa kabila na magkahiwalay na sila ng home studio – si LJ sa GMA at si Paulo sa ABS-CBN, walang bad issue sa kanilang dalawa. Kaya lang, wala pa ring linaw kung kailan plano nina Paulo at LJ na magpakasal laluna ngayon na maganda ang takbo ng career ni Paulo sa bakuran ng Kapamilya Network. Isa rin si Paulo sa mga celebrity endorsers ng Bench.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 191
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 279
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 146
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 219
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 217
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more