Kahit nag-deny dahil never daw silang nag-on, naniniwala pa rin kaming break na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Hindi magiging open at malakas ang loob ng actor na magpahayag na crush niya si Sam Pinto at yayain itong mag-date nitong nakaraang Valentine’s Day kung sila pa ni Kylie.
Dahil panay ang deny ni Kylie at si Aljur hindi nagsasalita, hindi malalaman ang rason ng breakup nila.
Noong February 1 dapat ang first anniversary nila, pero wala nang selebrasyon dahil break na sila bago pa ang anniversay date nila.
Single rin yata si Sam, kaya malaki ang posibilidad na mauwi sa ligawan at baka relasyon ang admiration ni Aljur sa kanya na, in fairness, reciprocated.
Abangan natin kung present si Aljur sa premiere night ng Hitman sa February 21.
* * *
Ang lupit ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, binilang ang ads ng pilot ng My Beloved. Umabot daw sa 59 ang pumasok na ads sa pilot ng soap at tiyak na madadagdagan pa ang load ng ads sa mga susunod na airing.
Nagustuhan ang pilot episode pati ’yung nahulog na bus sa flyover, pero mas grabe ang eksenang may nahulog na bus sa bangin na kinunan ni Direk Dominic Zapata sa Quezon.
Ang ganda ng eksena na gumugulong ang bus na napanood namin sa cellphone ni Dingdong.
Samantala sa My Beloved, nalungkot si Sharina (Marian) sa pagpanaw ni Teacher Lily (Rio Locsin), pero sa dalaga iniwan ng guro ang bahay at malaking pera.
Makiki-share sina Elsa (Chanda Romero) sa mana ni Sharina.
Nakita ni Sharina ang diary ni Lily at nakasulat doon na iniligtas ni Arlan (Dingdong) ang guro dati.
* * *
Simula sa Sunday, kasama na sa ASAP si Paolo Valenciano na pumayag na ring maging part ng Sunday show ng ABS-CBN after three years.
Kaya lang, si Gab Valenciano naman ang mawawala dahil magko-concentrate sa pagiging isa sa dalawang arrangers ng Sarah G. Live ni Sarah Geronimo.
Feeling namin, kaya pumayag si Paolo dahil nasa ASAP din ang kapwa niya rakistang si Bamboo. Nakiusap daw siya sa staff na ’wag siyang pasayawin dahil hindi siya marunong sumayaw.
Pati ang bunsong si Kiana Valenciano, gusto nang mag-ASAP, pero ayaw pa siyang payagan nina Gary at Angeli Valenciano.
Gusto muna ni Gary na gumawa ng album ang anak and before the year ends, ilalabas ang CD nito.
* * *
Sa Alice Bungisngis, makukulong si Alice (Bea Binene) dahil sa pagtakas sa ampunan, pero niloko lang siya ni Wendy (Rita Iringan).
Hindi siya matulungan ni Gelay (LenLen Frial) dahil itinulak ito ni Wendy.
Nag-wish si Alice na madapa si Wendy sa ginawa kay Lelay at nangyari nga.
Uutusan ni Esmeralda (Jean Garcia) ang mga kampon na bumalik sa Sitio Gaway-Gaway.
Sabik na si Esmeralda na bumalik sa dati niyang anyo.
* * *
Sa Valiente, marami ang worried sa lumalalang kalagayan ni Don Armando (Mark Gil), maliban kay Doña Trining (Jaclyn Jose) na nakakita ng chance na mamuno sa villa.
Mapipigilan lang siya dahil sa takot na ipaalam ni Damian (Michael de Mesa) kay Don Armando ang pinaplano niya.
Nagsimula nang maapektuhan ang friendship nina Theo (Oyo Sotto) at Gardo (JC de Vera) dahil sa tension nina Damian at Doña Trining.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 190
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 277
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 146
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 215
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 215
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more