TALAGANG dibdibang kina-karir ni Manny Pacquiao ang pagiging Ambassador of Goodwill ng Catholic Church.
Matapos niyang ipakitang lagi siyang laman ng simbahan, iniisa-isa naman niyang baguhin ang kanyang mga kinagawian.
Unang tinanggal ni Pacman sa kanyang bokabularyo ang pambababae.
Kung noon ay hayagan ang pagiging chickboy ni Manny, ngayon na nabigyan siya ng katungkulan ng CBCP, inuna niyang ipinangako na hindi na siya mambababae at ang kanyang puso at isipan ay para lang sa misis niyang si Jinkee at mga anak na lamang.
Ayon na rin sa Pambansang Kamao, lahat-lahat din ng mga “bisyo” niya ay tinigilan na niya.
Tulad ng pagiging tomador at sabungero, kung saan milyun-milyung piso ang kanyang ipinapatalo.
In fact, ang libu-libo raw na mga imported at mamahaling mga manok na panabong ni Pacman ay kanya nang ipinamigay.
Kung hindi kami nagkakamali, nagkakahalaga nang halos isandaan milyong piso ang ginagastos ni Pacquiao sa sugal na sabong at pag-aalaga ng mga manok na panabong.
Ang bawat isang manok niyang panabong, na ipinamigay umano ni Paquiao ay nagkakahalaga ng P15 thou hanggang P50 thou, depende sa klase at uri.
One hundred percent clean living na raw ang ginagawa ngayon ni Pacman, kaya mistula na raw itong pastor na laging may dala-dalang Bible.
Kadalasan, kapag wala raw sesyon sa Kongreso, nasa Bible study si Pacman.
Kung may mga labis daw na natutuwa sa mga ginagawa ngayon ni Paquiao, nangunguna na ang kanyang asawang si Jinky at mga anak na madalas nang nakaka-bonding ni Manny ngayon.
Pero may mga labis namang nalungkot sa pagbabagong-buhay ni Manny.
’Yun ’yung ilang mga taong nakapaligid sa kanya na nagdadala ng tukso sa Pambansang Kamao.
* * *
MALAKI ang paniniwala namin na isa sa mga best friend at kumpare ni Manny Pacquiao ang naging inspirasyon nito para tumigil na sa pambababae.
At aming napag-alaman na ito ay ang kaibigan din namin na singer-composer na si Lito Camo.
Hindi lingid kay Pacman ang pagiging mabuting ama at tapat sa asawa ni Lito.
Noon, umaming babaero rin si Lito pero nagsisi na raw siya at tuluyang nagbago.
* * *
YOUNG ACTOR RAYMOND MANUEL MAGALING DIN NA SINGER AT COMPOSER
HINDI kami nagtataka kung bakit binigyan agad ni Sen. Bong Revilla ang 18-anyos guwapong young actor na si Raymond Manuel ng break sa movie niyang PANDAY 2.
Napaka-talented pala kasi nito. Bukod kasi sa husay nitong umarte, magaling din pala siyang singer at composer.
Napakasuwerteng tinedyer, dahil nu’ng magsabog ng talento ang Diyos, nasalo yata lahat ni Raymond.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 189
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 277
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 146
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 215
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 215
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more