HINDI nagsisisi si Alden Richards sa paghinto sa pag-aaral at pakikipag-break ng kanyang girlfriend nu’ng pumasok siya sa showbiz.
Kaya raw nag-aaral ang isang tao para makapagtrabaho at may trabaho na raw siya ngayon, ang pag-aartista.
Tungkol naman sa paki-kipaghiwalay ng kanyang dating dyowa, marami naman daw magagandang babae sa showbiz na karapat-dapat ibigin.
Kaya lang daw, ayaw pa niyang manligaw ulit dahil gumagawa pa lang siya ng pangalan bilang artista.
“Hilig ko kasi ang pag-arte. Ngayong binigyan ako ng pagkakataon ng GMA7, dapat lang pagbutihan ko. Ayaw kong magkaroon ng sagabal na ibang bagay sa pag-aartista ko.
“Sa totoo lang, crush ko talaga si Sam Pinto. Pero palagay ko hanggang ganu’n na lang muna. At kung anuman ang nararamdaman ko para sa leading lady kong si Louise delos Reyes sa My Beloved, hanggang du’n na lang din muna,” say ni Alden nang makapanayam namin.
Inamin din ni Alden na high school pa lang, nagka-girlfriend na siya at naka-apat na raw siyang dyowa. Ang pinaka-serious daw, ‘yung huli dahil nasa college na siya. Nagkahiwalay daw sila dahil nawalan na nga siya ng panahon mula nang pasukin niya ang showbiz.
Katwiran ng young actor, pana-panahon ang pag-ibig. Nakapaghihintay daw ang puso, pero ang opportunities, hindi.
Silang dalawa ni Louise delos Reyes ang mag-partner sa My Beloved.
At kahit support role lang silang dalawa sa pangunahing bida na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, okey lang daw kay Alden dahil sa primetime na sila napapanood ni Louise.
* * *
SPEAKING of Louise delos Reyes, hindi raw siya nagtatampo sa GMA7 na hindi agad nasundan ang solo soap niyang Alakdana, na nagsilbing big break nila ni Alden bilang mag-partner.
Katwiran ni Louise, tatlong pelikula naman ang nagawa niya pagkatapos ng Alakdana.
At dahil maluwag na ang schedule ni Louise, naipagpatuloy niya ang kursong Foreign Service sa Lyceum of the Philippines sa Trece Martirez, Cavite.
* * *
NATUKLASAN ang batang biriterang si Roseanne Magan sa mga amateur singing contest sa Mandalu-yong City.
Madalas namin siyang mapanood na nagi-guest sa isang programa sa Market Place Mandaluyong, sa may Kalentong St., kung saan host si Kagawad Carlito Cernal. Weekly show ito ni Carlito sa Market Place at isa siya sa mga nanghikayat kay Roseanne na mag-audition sa GMA7 para sa bi-ritera role.
Nagtagumpay naman si Roseanne at siya nga ngayon ang bidang bata sa Biritera.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 189
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 277
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 146
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 215
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 215
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more