Mikael has Dingdong's permission to admire Marian


SA Ateneo nag-aral si Mikael Daez mula grade school hanggang mag-graduate siya ng Business Management. Pero, sa halip na gamitin ang kanyang pinag-aralan ay narito sa showbiz at nakikipagsapalaran sa tulong ni Jonas Mercator na siya ring nasa likod ng tagumpay nina Venus Raj, Shamcey Supsup, at Ms. World Runner Up, si Gwendolyn Ruais.

Sa loob ng isang taon, nagawa ni Mikael ang "Temptation Island" for Regal Entertainment, at sinundan pa ito ng "Amaya" kung saan gumanap siyang masugid na manliligaw ni Marian Rivera. Ngayon, kasama na naman siya sa "My Beloved" at muli, masugid na naming manliligaw ang role at tatapatan niya ang beloved lady ni Dingdong Dantes sa serye at maging sa tunay na buhay.

Sobra ang paghanga ni Mikael kay Marian dahil sa "Amaya" ay hindi ito nagdamot ng tulong sa kanya.

"Hindi siya ang Marian na balitang mataray at suplada sa mga baguhang kasama," aniya. "Inalalayan niya ako para mawala ang nerbiyos ko, kapag may eksena kaming magkasama. I did not expect it from her dahil noon lang kami nagkakilala at wala akong ipinakisama sa kanyang kabutihan para niya ako pagmalasakitan. Nag-attend ako ng workshops, pero, alam kung hindi enough iyon para maging comfortable ako kapag nag-i-interact kami. Nanliliit ako tuwing magkaeksena kami, but I try very much to give my best dahil ayoko ng maging cause to work with her again, so, in between tapings, I request my manager to give me more workshops para makahabol ako sa acting at pagbibitiw ng mga dialogues."

Hindi rin ipinagkaila ni Mikael na si Dingdong Dantes ang actor which he admires most.

"I like his advocacies," katwiran niya. "I like his involvement in charity works. Bilib ako sa galing niyang mag-alaga ng kanyang katawan. He’s lucky to have a beloved girlfriend like Marian, who cooks for him ng mga putaheng puro vegetable.

"Dahil, second time ko na itong maging masugid na manliligaw ni Marian, Dingdong doesn’t make me feel uncomfortable. He’s like Marian na inaalalayan din ako. Ayaw nilang mailang ako. Pareho sila ni Marian na nagmamalasakit sa akin para maging maganda ang eksena. Very generous sila pareho sa pagtulong sa akin, kaya I’ll make sure na matuto ako nang husto."

WRITERS, NAGREREKLAMO SA PANDEDEDMA NI VICE

HINDI nabawasan ang energy , wit at humor ni Vice Ganda mula umpisa hanggang katapusan ng live show ng 'It's Showtime' noong Sabado na pinanood namin sa mismong studio. God knows saan pinulot ni Vice ang bilis ng utak niya sa pagsagot sa mga contestants na laging nauwi sa masigabong palakpakan. Only Vice Ganda has this gift of tongue na wala kina Ai-Ai delas Alas, Pokwang at iba pang pangunahing komedyante natin.

Kaya lang, may reklamo ang iba nating kasamahan.

"As if we don’t exist," sabi ng isang editor. Influence daw ng isang bagong kaibigan na "Dedma Queen." Reyna din ng pagbibigay ng unsolicited advice na ewan daw nila kung bakit sinusunod ni Vice. In fairness to the queen, wala namang sigurong masama sa pagbibigay ng unsolicited advice, pero, na kay Vice na iyon kung susundin niya to the max o hindi.

In fairness, as the show ended, naispatan naman ang inyong lingkod ni Vice at tumili pa ito at yumakap sa atin. Vice appeared as nice as he was before, kasi, para sa amin, wala namang dahilan para magbago.

ANNE, MAHILIG MAG-SIDESHOW

KUNG masayang panoorin sa TV ang noontime show, doble hanggang triple ang saya at tuwa sa mismong studio, dahil, may side shows na mapapanood tulad na lamang ng live concert ng "No Other Woman" star na si Anne Curtis. Walang makaka-awat sa pagbanat niya ng mga bago at lumang kanta sa "Singing V" portion ni Anne.

Wala ring sinayang na sandali si Vhong Navarro, na ayon kay Eric Tai, another unkabogable host ay likas niyang talento. "Nahawa na kay Vice."

Very hospitable naman sina Kuya Kim Atienza at posibleng manalo siyang "Darling of the Press" sa Philippine Movie Press Club soon.

Huwag ding tawaran ang on the spot adlibs nina Teddy Corpuz at Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang at ganun din naman si Karylle.

CLOIE, ITINATAGO PA RIN NI JENNY KAY GABBY

JENNY Syquia was the perfect stage mom to daughter 16 years old Cloie na isang linggong naging hurado ng "Showtime". Madalas niyang tawagin si Cloie para i-abot ang lip-gloss. Personal fotograher din siya ng anak na gusto ng pasukin ang showbiz, unlike before na pinakatagu-tago ng ina sa showbiz at sinadyang palakihin sa ibang bansa. Nobody expected her to bring Cloie back to the Philippines, because let’s face it, ayaw na rin niyang makita pa si Cloie ng kanyang Papa, who happens to be Gabby Concepcion.

I should know dahil, madalas din siyang mabanggit sa atin ni Gabby. "Si Cloie na lang ang kulang," aniya. "I miss her. Pero, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong hahanapin din niya ako pagdating niya sa hustong gulang, tulad ni KC. She gave me an unexpected call in San Francisco at sinadya niya akong puntahan after her graduation from college in Paris. Hindi na siya pinagbawalan ng Mom niya na makipagkita sa akin."

Posibleng hindi nakatulong kay Cloie ang katotohanang hindi siya nag-eefort makita ang Papa niya kaya siya na burado agad. The same thing goes to Jenny na itinago ang anak pagkatapos niyang iwan si Gabby at pakasal sa iba. Kahit anuman ang nangyari, minamahal ng publiko ang anak na nagmamahal sa ama.

Iyon lang naman siguro ang hinihintay ni Gabby. For the record, Gabby tried to locate Cloie nang makita ang picture nito sa internet. Pero nabigo siya. Mahirap naman kasing hanapin ang isang batang itinatago ng magulang.

It’s Jenny’s turn to make Cloie happy. At 16, tanging approval at advice nito ang hinihintay ni Cloie para tuluyan niyang makita at mayakap ang ama. Nariyan at naghihintay lang marahil sina KC at Garrie para kusang magsabi si Cloie na gusto niyang makita ang kanyang Papa babby. He’ll surely come running to her, for sure.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 189
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 276
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 146
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 215
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 214
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC