May lumabas na testigo sa Showbiz Central na nagpatotoo na nagkakasama sina Hayden Kho Jr. at Nancy Castiglione at dalawa pang pareha.
Nag-cite pa ang witness ng lugar kung saan niya nakita ang dalawa, pero sana nga ipinakita siya.
Inabangan namin sa Twitter ang sagot ni Hayden, pero ang nabasa namin ay “I’m going to have to clean up the mess someone else made… Oh, well, sanay na.”
Si Dra. Vicki Belo ang may bagong tweet, pero para lang magpaalam dahil itinuloy nito ang pag-alis. Tweet nito: “On my way to Los Angeles for my first Valentine alone. Maybe I’ll learn to love myself.” Nauna nang nag-text si Dra. Vicki kay Butch Francisco sa Startalk, tapos na raw sila ni Hayden. “It is over. I am letting him go so that they will not be hiding-hiding anymore,” sabi nito.
Guest din si Cesar Montano na nilinaw ang pagseselos diumano ni Sunshine Cruz kay Sam Pinto, leading lady niya sa Hitman na siya ang director/scriptwriter/producer ng pelikulang showing sa February 22.
Magsi-celebrate sila ng 12th wedding anniversary sa February 23 at lalo silang tumitibay.
Prayers daw ang sikreto ng pagsasama nila.
* * *
Naintriga ang mga nakabasa sa tweet ni Bianca King na “the case of the bitter ex” at sinundan ng “even if u feel innocent, so long as you’ve offended someone, apologies are in order. If the person is upset, you must’ve done something.”
Sino kaya sa mga ex ni Dennis Trillo ang pinatutungkulan ni Bianca sa kanyang tweet?
Tama kaya ang hula ng mga nakabasa kung para kanino ang nasabing tweet? Pero maganda naman ang paghaharap nila ni Bianca, ah.
* * *
Kasama siyempre si Alden Richards sa sinasabi ng press na “beautiful people” na bumubuo sa cast ng My Beloved.
Siya si Rico, kapatid ni Benjie (Dingdong Dantes). Kabilang siya sa gray characters ng soap at ’di masabi kung bida o kontrabida siya.
First primetime soap ito ni Alden at dobleng saya ang naramdaman dahil kasama niya sina Dingdong at Marian Rivera.
Hindi siya kabado dahil mababait ang mga kasama lalo na si Direk Dominic Zapata.
Samantala sa My Beloved, akala ni Sharina (Marian Rivera) si Arlan (Dingdong Dantes) ang nagligtas sa kanya, pero si Nelson (Mikael Daez) ang nagligtas sa kanya at dahil du’n, nagalit ang parents ng binata sa kanya.
Inatake sa puso si Teacher Lily na ikinamatay nito. Sa bahay ng guro, nakita ni Sharina ang larawan ng isang lalaki — mukha ni Arlan.
* * *
Talents ng GMA Artist Center ang Down to Mars, sikat sila sa viewers ng Party Pilipinas pero puwede rin sila sa Tweenhearts at puwedeng gamiting theme song ng show ang songs sa upcoming album nila.
Ipinarinig nina Daisuke, Kenjie, Yheen, Jeongwon, Kiro, Jang at Sky ang Oooh, Oooh!, Cloud 9 at My Everything at pasok sa taste ng mga bagets ang songs na compositions ng grupo.
Sana lang, ma-release ang album habang mainit pa ang Down to Mars at hindi kung kailan deadma na ang fans sa kanila.
Naloka lang kami dahil walang purong Pinoy sa members dahil kundi Fil-Chinese, Fil-Korean at Fil-Japanese ang members ng Marsians (tawag sa kanila ng fans).
Mabuti na lang at marunong silang mag-Tagalog.
Nadiskubre naming crush ng members sina Sarah Geronimo, Kylie Padilla, Lexi Fernandez, Frencheska Farr, Marian Rivera at Jonalyn Viray na crush ni Jang.
Kaya excited si Jang sa One Love concert ni Jonalyn sa February 15, sa Metrobar dahil guest sila at wish nitong magkaroon sila ng duet.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 189
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 274
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 145
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 213
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 212
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more