IBANG-iba na talaga ang dating kay Katrina Halili kapag si Hayden Kho na ang pinag-uusapan.
Kung dati, nag-aatubili pa siyang magsalita o magkomento tungkol sa doktor na tinanggalan ng lisensiya, ngayon, nakangiti na si Katrina at palaban pang sasagutin ang tanong na may kaugnayan kay Hayden.
Maingay na naman kasi ngayon ang kampo ni Hayden, lalo sa usapang pagbabalik-showbiz nito.
O ‘di nga ba, pagsabog ng balitang balik-showbiz si Hayden, sabay naman sa pagkalat ng balitang break na naman sila ng dyowa niyang si Dra. Vicki Belo. At ang sinasabing dahilan ng hiwalayan umano nila, ang “pagkaloko” ni Hayden kay Nancy Castiglione.
Ano kaya ang komento ni Katrina sa balik-showbiz ni Hayden?
Mataray na sagot ng sexy actress, wala siyang keber at good luck na lang daw sa dating doktor.
Tipid man sa pagsagot, nakikita sa aura ni Katrina na nakapag-move-on na talaga siya sa trauma ng sex video scandal nila ni Hayden, na nauwi pa sa demandahan.
And speaking of Katrina, ngarag na naman kasi ito sa pagte-taping ng My Beloved nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
* * *
ISA pang tsika na naglalagay sa alanganin ng matagumpay na tambalan ng YouTube sensation na Moymoy Palaboy ay ang isyung mabubuwag na umano ang kanilang tandem.
Madalas kasing napagkikita sa iba’t ibang karaketan ang dalawa na hindi magkasama kaya hindi maiwasan na matsikang may hidwaan sila.
Pero mariin agad itong itinanggi ng isa sa Moymoy Palaboy at idagdag pang hindi sila nag-aaway ng kapartner.
Kung sakali man daw na may okasyon na nakikitang hindi sila magkasamang rumaraket, ito ay dahil open silang tumanggap ng trabaho na magkahiwalay.
Say pa rin nila, bago pa man sila gumawa ng mga “kalokohan” sa video na pumatok sa YouTube, may kanya-kanya na talaga silang trabaho.
Pero mula nang makilala ang Moymoy Palaboy at regular na lumalabas sa TV show ng GMA7 na Bubble Gang, nahinto na ang mga bagay na gusto nilang gawin na magkahiwalay.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 188
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 273
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 144
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 212
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 211
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more