Very vocal si Aljur Abrenica na gusto niyang maka-date sa Araw ng mga Puso si Sam Pinto.
So, totoo na wala na talaga sina Aljur at Kylie Padilla
Anyway, nang makarating naman kay Sam na gusto siyang maka-Valentine date ni Aljur, nag-request ang actress na kung maaari sa isang beach sila mag-date.
Gusto sana ni Aljur na dalhin sa Paris ang makaka-Valentine date, pero dahil gusto ni Sam sa beach, walang magiging problema dahil sa Batangas nakatira si Aljur at sangkatutak ang magagandang beach sa kanilang lugar.
Tip lang namin kay Aljur -- ayaw ni Sam ng mapalabok na mga salita. Kapag may gusto kang sabihin sa sexy actress, sabihin nang diretso dahil ‘yun ang gusto nito.
Nasabi kasi sa amin ni Sam nu’ng makatsikahan namin sa presscon ng Legacy, ang gusto niya sa lalaki ‘yung walang paliguy-ligoy.
* * *
Tuwang-tuwa na naman sa ngayon ang boyfriend ni Dra. Vicki Belo na si Hayden Kho dahil napag-uusapan na naman siya.
Matakaw daw talaga ito sa publicity. Kaya nang pa-tulan ng ilang entertainment reporters ang break-up daw nila ni Vicky, siguradong hanggang tenga na naman ang ngiti ni Hayden.
Samantala, may pana-wagan ang mga nakakausap namin kay Dra. Belo na sana daw, magising na ito sa katotohanan na hindi nararapat sa isang tulad niya ang naturang lalaki na may kaso pa ring dinidinig sa korte.
* * *
Hindi nag-aalala si Robin Padilla sa anak na si Kylie pagdating sa lovelife ng da-laga.
Matalino at marunong daw itong ipagtanggol ang sarili sa mga magkakama-ling gumawa ng hindi maganda. Tinuruan daw kasi ni Binoe si Kylie na humawak ng baril at martial arts.
Bilang ama, lagi lang daw siyang nandiyan para big-yan ng suporta ang kanyang mga anak at paalalahanan ang mga ito na maraming intriga sa showbiz.
Muli, ipinagdiinan ni Robin na hindi niya pina-kikialam ang pag-ibig ng mga anak, as long, na dadalaw daw ang suitors ng mga ito sa kanilang tahanan. Ayaw daw ni Binoe na sa kalye o kung saan-saan lang lugar popormahan ang kanyang mga dalaga.
* * *
Handa na palang mag-asawa ni Nadine Samonte. Ito ang ipinagtapat niya sa amin nu’ng makausap namin siya sa taping ng Valiente sa Lipa, Batangas kamakailan.
“Yes, handa na akong mag-asawa. Pero wala pa namang marriage proposal. Kung darating, hindi na ako magpapaliguy-ligoy. Gusto ko na kasing magkaroon ng sariling pamilya,” say ni Nadine.
Alam din daw ni Nadine na tutol pa ang kanyang ma-gulang na mag-asawa siya.
Pero alam din niya na magiging maligaya ang kanyang parents kapag binig-yan na niya ng apo ang mga ito.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 188
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 273
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 144
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 212
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 211
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more