Ellen admits boobs enhancement


HINDI ikinaila ng sexy actress at isa sa Survivor Philippines castway na si Ellen Adarna na ang biglang paglobo ng kanyang boobs ay isang malaking “pasalamat kay dok.”

As in, nagpa-breast enhancement si Ellen, huh!

Kasi nga naman, marami ang nakapansin na nu’ng cover girl si Ellen sa isang men’s magazine, biglang lumaki ang kanyang boobs, kumpara sa nauna na niyang sexy pictorials.

Ang tsika pa, kaya nagpalaki ng dibdib si Ellen ay pursigido raw nitong kabugin at maagaw kay Sam Pinto ang titulong Sexiest Woman para sa taong ito, na nakopo ni Sam last year.

May mga nagsasabi  na ngayon pa lang, malaki ang chance ni Ellen na mapanalunan ang titulo.

Bukod-tangi na si Katrina Halili palang ang magkasunod na taon na itinanghal na Sexiest Woman ng FHM magazine.

Pero sa interview kay Ellen, walang kinalaman si Sam kung bakit siya nagpalaki ng boobs.

Matagal na raw niyang plano ito bago pa man niya pasukin ang showbiz.

Giit ni Ellen, para sa kanyang sarili kung bakit siya nagpadagdag ng boobs at hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan.

Ipinagtataka rin ni Ellen kung bakit pilit silang pinagsasabong ni Sam.

Magkaibigan daw sila ni Sam at magkasama sa Bubble Gang ng GMA7.

* * *

TALAGANG all-out ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, lalo na ang kanilang chairwoman na si Grace Poe-Llamanzares, para gabayan ang mga kabataan sa panonood ng TV shows.

May bago kasing ipina-labas na classification ang MTRCB na tinawag nilang Strong Parental Guidance o SPG.

Sa makabagong panahon kasi ngayon, may mga pa-labas na pambata ang tema pero ang nilalaman ay hindi naayon sa kaisipan ng mga kabataan.

Example ang ilang animation na pang-adult ang tema.  Patunay din na pursigido at seryoso ang MTRCB sa pagpapatupad ng kanilang bagong gabay, kinuha nila sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel para maging spokesperson nito. Napapanood na ang infomercial ng MTRCB kung saan, ipinakikita ng mag-asawa ang tamang pag-gabay sa mga kabataan sa panonood ng TV shows.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 187
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 273
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 144
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 212
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 211
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC