Robin envies Vhong Navarro


ISA talaga sa walang kupas pagdating sa husay sa action at pag-arte ay si Robin Padilla.

Sabi nga, tulad si Binoe ng isang alak na habang tumatagal, lalong sumasarap.

Kasi naman hanggang ngayon, hindi siya pinagsasawaan ng kanyang fans.

Ibang klase kasing makitungo si Binoe, especially sa kanyang fans na tinatrato niyang mga kaibigan.

Daig pa ni Binoe ang mga sikat na politiko dahil kahit hindi public servant, bukas-palad itong nagbibigay ng tulong sa mga mahihirap.

Nakakaloka nga dahil halos lahat na yata ng kinikita ni Binoe sa pag-aartista, naipapamahagi niya sa mahihirap nating kababayan.

Kaya naman lagi siyang pinagpapala ng Diyos at patuloy na binibigyan ng maraming proyekto.

Tulad ng TV show niyang Toda Max, na patuloy na mamamayagpag sa ere, na labis na ikinatutuwa ni Binoe at mga kasama niya sa show tulad nina Pokwang at Vhong Navarro.

Biro nga ni Binoe, naiinggit siya kay Vhong Navarro sa pagiging binata nito dahil malaya pa itong nakakaporma at nakapagde-date ng magagandang babae na gusto niya.

Hindi na nga naman malaya si Binoe dahil nakatali na siya sa misis niyang si Mariel Rodriguez.

Pero bawi ni Binoe, mapalad siya sa pagkakaroon ng isang asawang tulad ni Mariel, na bukod sa maganda at seksi na, mapagmahal at ubod pa ng bait.

* * *

ISA si Mr. Fu sa masasabing bagong pambatong TV host ng balitang-showbiz ng TV5.

Habang nagtatagal kasi, nagiging cool at mahusay nang mag-host si Mr. Fu, huh!

Sa Paparazzi nga last Saturday, kitang-kita ang galing mag-host ni Mr. Fu, with matching gigil pa sa pagbibitaw ng mga tsika.

Keep it up Mr. Fu, dahil nas likod mo lang kami para suportahan ka!

* * *

UNANG SALVO SA SABADO NG PAPARAZZI, HATAW AGAD SA RATING

NAKAKATUWANG isi-pin na kahit nagbago na ng araw ang showbiz TV talk show ng TV5 na Paparazzi, talagang sinubaybayan pa rin ito ng televiewers.

Nito ngang Sabado, February 11, sa unang salvo sa Sabado ang Paparazzi, sa dati pa rin nitong oras na 1:30 pm, humataw agad ito sa rating.

Patunay lang na “made” na ang Paparazzi bilang most watched showbiz talkshow sa TV.

May tsika pa na nu’ng ilipat ang Paparazzi sa Saturday slot, tila umiwas ang kasabayan nitong showbiz talk show sa ibang station na tapatan ang Paparazzi.

Katuwiran nila, hindi sila mananalo sa main host ng Paparazzi na si Cristy Fermin, na kilalang reyna pagdating sa mga balitang showbiz.

At sa pagpapalit ng araw ng Paparazzi, nagbagong-bihis din ang set ng programa na ginawa nang live sa Broadway Centrum.

Wala ring na-tsuging hosts, kaya all present sina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, Zoren Legaspi, Dolly Ann Carvajal at Mr. Fu.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 187
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 273
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 144
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 212
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 211
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC