Nancy Castiglione doesn’t know why Dra. Vicki Belo is jealous


Maski pala si Nancy Castiglione, naguguluhan at hindi alam kung ano nga ba ang ibinibintang sa kanya.

Sa hindi malamang dahilan, nadawit ang kanyang pa-ngalan sa tampuhan ng magdyowang sina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.

Basta nagparinig na lang daw ang doktora at sinabing okey lang sa kanya kahit na makipag-date si Nancy kay Hayden, hindi siya kikibo.

Mabuti naman at naging mabilis si Hayden sa pagsasabing walang kinalaman si Nancy sa tampuhan nilang dalawa ni Belo.

Mayroon lang daw kaun-ting misundstanding sina Dra. Vicki at si Hayden.

Sila lang daw dalawa ang dapat mag-usap, may mga nadadmay nga lang.

* * *

Inamin ni Megastar Sharon Cuneta, bago nagsimula ang kanyang concert noong isang gabi sa Araneta Coliseum, nakakadama pa rin siya ng kaba.

Sinabi nga niyang minsan, may nararamdaman siyang palpitations, pero kailangan niya ’yun.

Katwiran ni Mega, kung dumating ang panahon na hindi na siya kakabahan bago ang kanyang performance, mas lalo siyang dapat matakot dahil baka kung anong klaseng performance ang magawa niya.

Kunsabagay, lahat naman ng artists ganyan.

Nakakadama pa rin sila ng kaba, dahil para sa kanila, ang bawat pag-akyat sa stage, panibagong experience.

Hindi mo nga kasi alam kung ano ang mangyayari.

At lalong hindi mo alam kung ano ang magiging reaksiyon ng audience sa performance mo.

Minsan kasi, kahit na mahusay na ang ipinakita ng isang artist, posibleng may mga hindi pa nakagusto nito.

Minsan naman, alam ng performer na may magagawa pa siyang mas maganda,pero ang kanyang performance, gustung-gusto na ng audience.

Sino nga ba naman ang makapagsasabi sa kanila kung tama o mali ang kanilang reaction?

Tsika nga ni Sharon, minsan pagkatapos ng unang number niya on stage, panatag na ang kanyang kalooban.

Minsan naman, naka-katatlong kanta na siya, hindi pa rin siya mapalagay.

Ganito talaga ang normal na buhay ng isang performer, lalo na kung malaki ang concert.

* * *

Talaga naman palang kahit na noong araw pa, ang barkada ng isang gay singer, gays din na madalas umistambay sa gym.

At alam ng mga kapwa niya bading na barkada sa gym, siya ay isang lehitimong miyembro ng kanilang federacion.

Hindi na nga raw sila ma-bibigla kung dumating ang isang araw, magladlad na rin ito ng kapa.

In fact, matagal na nga raw nilang inaasahang bibigay na ito. 

Hindi na siya natatakot magtalukbong ng kumot, bakit pa siya matatakot na magladlad ng kapa?



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 187
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 273
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 144
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 212
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 210
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC