Actor turns down good role, TF


May magandang offer sa isang actor ang isang network, maganda na ang project, maganda rin ang kanyang role at for sure, maganda rin ang talent fee.        

Pero kahit naunang dumating ang offer, nag-back-out pa rin siya.

Ang rason, may dumating na offer sa ibang network at mas gusto niya ang kanyang role dahil kapareha siya ng isa sa mga bida.

Sa tinanggihang naunang role, tatay siya ng bidang actor at kahit in real life, malalaki na ang mga anak, gusto siguro nitong patunayan na puwede pa siyang maging leading man.

Pang-ilang project na ba ito ng network na tinanggihan ng actor, obvious bang ayaw niyang magtrabaho sa network? Bakit kasi pinipilit pa?!

* * *

Pagkatapos ng Biritera ang time slot ng My Beloved, papalitan nito ang Legacy na papalit sa Survivor Philippines.

Nag-iiringan na ang fans nina Marian Rivera at Heart Evangelista dahil mas kinikilingan daw ng GMA-7 si Marian kesa kay Heart.

Bida si Marian sa My Beloved kapareha ni Dingdong Dantes at isa naman sa mga bida si Heart ng Legacy at dahil may conflict ang dalawang aktres, war din ang kanilang fans.

Nagsasagutan na ang dalawang kampo sa Twitter.

Basta si Dingdong, excited sa bagong telebabad block ng Channel 7 dahil mula afternoon hanggang gabi, mataas ang ratings ng lahat ng soap at dahil daw ito sa different flavors ng napapanood.

Ipinagmamalaki nito ang My Beloved dahil bukod sa kakaibang story, malalaki ang mga eksena at bumili ng bus ang Channel 7 para lang ihulog sa flyover at sa cliff ng Quezon.

Samantala sa pagbubukas ng My Beloved, iniwan ang magkapatid na Sharina at Monica ng kanilang ina at magiging daan ’yun sa pagkamatay ng ama.         Aampunin ang magkatid ng tita nilang si Elsa (Chanda Romero).

Sa kanilang paglaki, tutulungan ang magkapatid ni Teacher Lily na owner ng pagawaan ng santo.

Nang manganib ang buhay ni Sharina (Marian), makikita niya si Arlan (Dingdong). 

* * *

Nagpatikim si Regine Velasquez ng birit sa Party Pilipinas last Sunday at marami pang ganu’ng numbers ang ibibigay sa manonood ng Mr. & Mrs. A Valentine concert nila ni Ogie Alcasid bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Maraming duets ang mag-asawa sa guests nila, pero ayaw mag-spoiler ni Songbird kung ano ang gagawin ni David Archuleta na ayaw kumpirmahin kung guest nga’t bawal daw.

Ang sweet ng eksena nina Regine at Ogie sa rehearsal nila sa Studio V nina Gary Valenciano dahil habang kausap namin si Regine, inaayos ni Ogie ang buhok nito.

Masaya si Regine sa balitang sold-out ang ticket sa concert at sa tsikang maraming humihingi ng complimentary tickets.

“We can always have a repeat dahil sayang ang production, pero kailangan maaga,” sabi ni Regine.

* * *

Sa pagsisimula ng Valiente, 15th wedding anniversary nina Don Armando (Mark Gil) at Doña Trining at sa party sa Villa Braganza, sama-sama ang mayayaman at mahihirap.

Makikilala ang mag-best friends na sina Theo Braganza (Oyo Sotto) at Gardo Valiente (JC de Vera).

Makikilala rin sina Leona at Maila Braganza (Niña Jose at Nadine Samonte), mga kapatid ni Theo na parehong may pagtingin kay Gardo.

Makikita ang friendship nina Don Armando at Damian Valiente (Michael de Mesa) at ang namumuong alitan nina Doña Trining at Luming (Gina Alajar).



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 186
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 272
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 143
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 211
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 210
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC