Isa ang boto ni KC Montero sa nagpapanalo kay Betong Sumaya bilang Sole Survivor sa Survivor Philippines Finale, pero obvious na hindi ito masaya na hindi pumasok sa Top 3 at hindi nanalo based sa tweets.
May tweet itong, “Yes, congrats Betong. That’s my title and money btw. Survivor fans know this, I can move on from a loss, but not from being cheated & everyone knows it, at I will be drunk in minutes. F-ck bs.”
Amoy bitter!
Ang mga bumoto pa kay Betong ay sina Maey Bautista, Chuckie Dreyfuss at Arthur Solinap. Si Gino dela Peña lang ang bomoto kay Stef Prescott at sina Arnold Aninion at John Odulio ang bomoto kay Mara Yokohama.
* * *
Ibinalik ang love team nina Carl Guevarra at Jennica Garcia sa My Beloved at tiyak na sisigla uli ang fans ng dalawa. Sa Bantatay pa ang last show nila together at ’yun din ang last show ng young actress. At least si Carl, lumabas sa Blusang Itim.
Kapatid ni Marian ang role ni Jennica bilang si Monica at si Carlo ay ang BF niyang si Junic, isang security guard na mapapatay at lalabas na multo sa buong story ng My Beloved.
Fit at ang gwapo ni Carl at dahil ito sa nag-focus siya sa sports. Sumasali siya sa marathon at nagti-training sa sasalihang triathlon next year. Ipinagmalaki nitong tinakbo niya ang 42kms. nang three hours at 21 seconds. Happy si Carl na muling makatrabaho si Jennica.
* * *
Nag-last taping day na ang Kokak kaya malungkot ang cast dahil naging close sila kahit nagka-isyu sina Ervic Vijandre at Frencheska Farr. Hanggang March 2 pa ang airing ng Kokak at ayaw pang sabihin nina Sarah Lahbati, Frencheska Farr at JC Tiuseco kung paano magtatapos ang kani-kanyang karakter.
At least, natapos ang taping na nagkaayos sina Sarah at Jessa Zaragosa na naintriga dahil sa tita ng dalaga na pinalipat si Jessa sa ibang tent sa taping.
Si Sarah pa lang yata ang may next soap, sina JC at Frencheska wala pa, pero nabanggit ni JC na kung pagtitiwalaan ng GMA-7, ready na siyang maging lead. Ang naririnig niya, may gagawin siyang pelikula sa GMA Films.
* * *
Kita namin ang amusement ng child star na si Angeline Nicole Sanoy nang pagkaguluhan ng press si Kylie Padilla sa presscon ng The Good Daughter. Suwerte ito’t hindi pa nauurirat ng press sa kanyang love life dahil wala pa, pero crush nito sina Aljur Abrenica at Julian Trono.
Half-sister si Kylie ang role ni Angeline as Julia at sa start ng story, hindi siya mabait kay Kylie. Seven days palang siya nagti-taping, pero happy dahil mabait sa kanya ang co-stars.
* * *
Problemado ang barkada sa Tweenhearts sa darating na Prom Night. Dahil walang date, si Aya (Joyce Ching) na ang mag-aasikaso sa preparation. Pansin ni Belinda (Bea Binene) na stressed out si Jacob (Jake Vargas), kaya mag-iisip ng paraan para mapasaya ang BF.
Sa sobrang excitement ni Bambi (Barbie Forteza), iimbitahan sa prom si Kevin (Kiko Es-trada) na sumama sa kanila ni Josh (Joshua Dio-nisio). Paano na ang plano ni Josh na maging perfect ang Prom Night nila ni Bambi kung kasama si Kiko? Dagdag na problema nang masiraan ang sasak-yan nila.
Special guest si Aljur Abrenica sa episode this Sunday bilang si Leo Navarro, ang commercial model na ka-date ni Heidi (Kylie Padilla) sa Prom Night.
* * *
Nagsimula na noong Friday (Feb. 10) ang PBA Season 37 Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. Seven PBA teams ang maglalaban sa championship at ang buong season ay mapapanood sa AKTV sa IBC.
Ang Kampihan Na! ang new battlecry ng bagong season ng basketball.
Present sa presscon ng AKTV ang mga players na sina RenRen Ritualo Jr., ng Air21 Express, Mark Caguiao ng Barangay Ginebra Kings, Mac Mac Cardona ng Meralco Bolts, at Gary David ng Powerade Tigers at si Mr. Vivo Lazatin, AKTV head.
Naniniwala ang mga players at si Mr. Lazatin na mas magigign successful ang PBA ngayon dahil bumabalik ang sigla ng tao na manood ng live at sa TV.
Ang AKTV ang primetime sports block ng TV5. Dito rin napapanood ang PBA D-League, United Football League, Pacific X-Treme Combat. Objective ng sports channel na maging local authority in sports and active lifestyle for the Filipinos.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 186
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 268
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 143
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 210
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 209
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more