PINATALSIK ng isang drama-comedy actress ang kanyang driver dahil muntik na nitong paliparin patungong langit ang kanyang sasakyan. Sinabihan ng aktres ang dribam na bilis-bilisan ang pagda-drive dahil nagmamadali siya’t ayaw nitong ma-late sa appointment.
Eh, sumumbrang bilis ang maneho ng driver na parang mauubusan ng kalsada, kaya hayun at muntik-muntikanan na silang mabangga, huh! Ikinaloka talaga ’yon ng aktres kaya ang ending, terminated na ang dribam!
In fairness, buhay pa naman ang drama-comedy actress!
* * *
PASIKLAB ang Valentine’s Day ni Angel Locsin. Rason niya, inspired at happy siya dahil na rin meron siyang Phil Younghusband na rumoromansa sa kanya.
“But I think na ’yung Valentine na sinasabi ko, sa ibang araw namin gagawin kasi he’s in Dubai and I have work,” sey ni Angel nang makausap namin sa presscon ng Toda Max.
Dahil kay Phil, natuto ang aktres na maging open sa kanyang feelings.
“Kasi naman, noon… Alam mo naman, ito na lang ang natitirang pribado sa akin. Feeling ko, iniingatan ko ito dahil baka ’pag nag-away kami, magkasakitan. So iniisip ko na huwag na lang pag-usapan para hindi madamay ang isa’t isa sa kanyang issues.
“Pero because… Obviously, he’s very open sa nararamdaman niya so parang natutulungan akong mag-open up. Mag-relax,” katwiran ng aktres.
Pagdating naman sa career, happy si Angel pero aminado siyang hindi pa siya kuntento.
“Ang dami ko pang gustong gawin. Marami eh. Projects,” saad niya.
Eh sa movie niyang Unofficially Yours, seksi ang image niya, huh!
“Sobra! Napaka-liberated na babae! Kayang mag-isa. Hindi ako iiyak sa lalaki. Parang wala ’yan. Hindi ko naiintindihan ’yang love na ’yan,” patungkol ni Angel sa bagong role.
Parang contrast naman sa totoong buhay niya, huh!
“Of course, naniniwala naman kasi ako sa love eh, ’di ba? Pero sa bawat character na ginagampanan ko, ‘Ay, ako ito!’ dapat meron eh kasi ’pag hindi ka maka-relate, hindi mo maiintindihan ang character mo. Kailangan i-absorb mo ’yon,” dagdag ng aktres.
* * *
MATINDING hagupit sa ratings ang hinamig ng Biritera nu’ng pilot telecast nito nu’ng Lunes. Ang audience share nito sa Mega Manila ay 39.1 kumpara sa katapat na Budoy na 29.3 ayon sa AGB Nielsen.
Nakakaawa rin kasi ang dating ng bagong child discovery na si Roseanne Magan. Ayon nga kay Direk Maryo de los Reyes, si Roseanne ang napiling bida dahil nakita ng director ang dating ni Nora Aunor sa bata, huh!
Anyway, sa naka-miss ng pilot week ng Biritera, mapapanood ngayon ang recap ng highlights sa Isa Pang Hirit ng Biritera bago ang Party Pilipinas.
* * *
BUWIS-BUHAY talaga si Wally Bayola sa EB Super Dance contest kung saan naka-partner niya si Gwendoline Ruais, Miss World first runner-up. Lumambitin sa kawayan at nag-ending ng patiwarik ang komedyante kaya naman pinalakpakan ang katapangan niya sa acrobatics niyang ginawa.
Eh, hindi rin nagpatalbog si Gwen dahil nagpaka-daring din siya sa parting inihagis siya sa kabilang grupo ng dancers at buti na lang, swak na swak ang pagkakasalo sa kanya, huh!
Parang Matt & Jeff nga ang hitsura nina Gwen at Wally – isang pandak at matangkad -- habang humahataw, huh!
For sure, ang pagsasayaw ni Wally ang isa sa puwede niyang gawin sa concert nila ni Jose Manalo sa March 2 sa Smart Araneta Coliseum na wala pang isang linggo nang ilabas ang ticket, aba, milyones na ang nabenta, huh!
Tawag kayo sa Ticketnet 911-5555 para sa The Jose & Wally Show, Party For Every Juan!
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 186
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 268
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 142
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 210
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 208
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more