Iniiwasan sana ni Robin Padilla na sagutin ang mga tanong about Kris Aquino sa presscon ng second season ng Toda Max, hindi pa rin siya nakaiwas sa pang-uurirat ng press tungkol sa nakaraan nila ng Queen of All Media.
Dating na-link sina Robin at Kris at dahil magkakasama sila sa isang teleserye ngayon sa ABS-CBN, muling nauungkat ang kanilang nakaraan.
Ikinagulat ni Robin na marami palang alam ang entertainment press sa naging relasyon niya with Kris. Ang mga reporters pa ang nagsabi sa kanya na muntik na niyang itanan noon ang Queen of All Media.
“Alam ba ng publiko ’yan?” gulat niyang tanong. “Nakakagulat kayo, flashback ba ito 20 years ago?” sey niyang natatawa.
When asked kung bakit hindi natuloy ang pagtatanan, aniya, siguro raw ay hindi lang talaga nakasulat sa tadhana na magkatuluyan sila.
“Ano ’yun, eh, nasa sarili kaming pag-iisip, kami’y nag-uusap. Ang naging relasyon namin kasi ni Kris, nag-uusap kami. Hindi naman ’yung desisyon lang ng lalaki.
“Saka hindi tipo ni Kris ’yung hindi nag-iisip. Ano siya, eh, leader talaga,” sey ni Binoe.
Pero sinubukan naman daw nilang mag-work-out ang relasyon nila pero talaga raw hindi sila para sa isa’t isa. He remembers, buhay pa nga raw si Inday Badiday noon at ito raw talaga ang nagsilbing tulay sa kanila’t gumagawa lagi ng paraan para magkaayos sila.
“Matagal na pakikibaka ni Ate Luds (tawag kay Inday), hindi siya talaga sumuko sa amin,” kuwento pa niya.
May panghihinayang ba na hindi sila nagkatuluyan?
“Siyempre, sa bawat relasyon may panghihinayang, kahit sa amin ni Liezl (Sicangco, his former wife), may panghihinayang. Kahit sa amin ni Ma’m Sharon (Cuneta), may panghihinayang. Pero ’yung panghihinayang na ’yun, hindi ibig sabihin, nagsisisi ka. Ano lang, talagang ’yun ang nakasulat, eh.”
Sa ngayon ay masayang-masaya raw siya sa piling ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez at kahit nga magdadalawang taon na silang kasal, feeling daw niya ay bagong kasal pa rin sila.
* * *
Kung ang ibang kumpanya ay gumagastos ng milyun-milyon para kumuha ng sikat na celebrity endorsers, iba naman ang estilo ni Mercy T. Ong, may-ari ng Skides Essential Water.
Bago pa lang ang kanyang Vanadium water business at kung tutuusin ay ito ang panahon para kumuha siya ng sikat na endorser at sa yaman niya ay kaya naman niyang magbayad pero prangka niyang sabi, mas makakatulong pa kung sa charity niya ito gagamitin.
“Mas maganda kung maibibigay natin sa mas nangangailangan. Hindi naman sa wala tayong ano, kungdi ‘yung money na ini-invest mo, let’s say sa commercial is P1 million, mababa pa ’yan, eh, ’di gumawa ka na lang ng project for the less fortunate, ilang libo ‘yung matutulungan. O kaya magbigay ka na lang ng scholarship, mas okay din, ’di ba? Practical lang kasi ang approach natin, eh,” she said nang makausap namin sa launching ng kanyang Skides Essential Water.
Ang produkto niyang Vanadium water ay first of its kind sa Pilipinas. Galing ito sa Vanadium stone sa Mt. Fuji at dinala rito sa Pilipinas.
“We brought the stone dito sa atin, and ginawan natin ng invention for technology kung saan ibinababad natin sa tangke ’yung stone and may curing system,” paliwanag niya.
Kakaiba raw ito sa mga nabibibiling mineral, purified and distilled water. Bukod sa malinis na tubig, nakaka-prevent pa raw ang Vanadium water ng mga sakit sa katawan tulad ng diabetes, cancer, hypertension at marami pang iba.
Sa ngayon ay wala pa sa commercial outlets ang Vana-water at mabibili lang ito via direct selling. Sa ganitong paraan ay mas makakatulong pa raw siya sa ating mga kababayan na gustong maging distributors.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 186
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 268
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 142
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 210
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 207
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more