Chris Tiu reaps reward of being loyal


NAGPAPAKATOTOO lang si Chris Tiu sa pagsasabing  loyal siya sa Smart Gilas.

Kahit ang mga kasamahan niyang players sa Smart Gilas ay isa-isa nang umalis, pinaninindigan daw ni Chris  na manatili siya sa koponan na sponsor ng TV5  big boss Manny V. Pangilinan. Ito ang ipinagtapat ni Chris Tiu nang makausap namin sa   taping ng  programa niya sa TV5, ang Toink! Sino Ang Tama?, na isang  hilarious  game show  with co-host Kapatid star Alex Gonzaga.

Kaya naman nasabi ni Chris Tiu na palagi raw may reward ang pagiging loyal.        Ang  Toink ay  co-produce ng TV5 at  ni   KB Entertainment boss   Kitchie Benedicto na magsisimulang  i-air this Sunday (Feb. 12, 2-2:30 p.m. pagkatapos ng Wow Mali ni  Joey  de Leon.

*  *  *

MAY bagong kalaban si  Derrick Monasterio sa panunuyo kay Sarah Lahbati.         Bago matapos ang taping ng Kokak ni Sarah,  panay ang bisita sa kanya ng young actor na si Carlo Aquino. Pareho kasi silang mahilig sa pagtugtog ng gitara at parehong nasa dugo ang musika.

Samantalang si Derrick ay walang dahilan na palaging dumalaw kay Sarah maliban sa panliligaw. Isa pa masyadong abala si Derrick ngayon sa tapings ng Alice Bungisngis  kung saan ka-love team siya ni Bea Binene. Bukod dito, abala rin siya sa iba pa niyang programa, Tween Hearts at  Party Pilipinas kapag Sunday.

Pero, nakatakdang malamangan ni Derrick si Carlo. Magkasama kasi sila ni Sarah sa gaganaping concert nila  sa  Geneva, Switzerland.  Walang Carlo na puwedeng bumuntut-buntot sa Switzerland.

*  *  *

ISA pang in love na in love at mistulang stalker ay itong si Jake Vargas.

Sunod kasi nang sunod  si Jake kay Bea Binene kahit saan nagti-taping ang young actress ng isa pa nitong programa, ang Good News na napapanood sa GMA News TV  Channel 11, kahit pa madalas na silang nagkikita sa taping ng  Alice Bungisngis na sila ang pangunaing bida.        

By the way, ngayong Sunday ay mapapanood ang love team nina Bea at Jake sa Tween Hearts. Panibagong pagsubok ng pagmamahalan nila ang matutunghayan.    

*  *  *

PATULOY pa ring mapapanood ang Frozen Planet sa programa ni Sen. Bong Revilla, ang Kap’s Amazing Stories na napapanood sa GMA7 tuwing Sunday ng gabi.   

Tinatalakay dito ni Sen. Bong  ang buhay-buhay sa dalawang pinakamalalamig na lugar sa Earth, ang North at South Pole.

Dahil sa climate change, may pagbabago ring nagaganap sa kapal ng yelo roon. Matutunghayan kung naaapektuhan ba ang mga hayop sa pagkatunaw ng yelo sa North and South Pole. Naninirahan dito ang mga polar bear, mga penguin, sea lions at iba pang hayop-dagat

*  *  *

SO feeling fulfilled si Manilyn Reynes dahil napabilang siya sa cast ng Pepito Manaloto.

Educational comedy show raw kasi ito dahil iba-ibang subject matters ang tinatalakay tuwing Sunday night kasama na rito ang pagdidisiplina sa mga kaba-taan.

Tinatalakay din sa Pepito Manaloto ang tamang pakikisama sa in-laws at gayundin sa  mga ‘kasambahay’ lalung-lalo na sa business partners.

Napapanood ang Pepito Manaloto tuwing Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend Edition.

*  *  *

NAKATANIM na kaagad sa isipan ng viewers ng Biritera ang bagong hinaha-ngaang 10-year-old girl na si Roseanne Magan.

Magaling kasing bumirit ang bata at may ibubuga rin sa pag-arte. Bukod pa rito, may magandang istorya ng buhay ni Roseanne sa soap opera na idinidirek ni Mar-yo J. delos Reyes.

Kasama rin sa Biritera sina Dennis Trillo, Angelika dela Cruz, Rich Asuncion  at si Glaiza de Castro.

*  *  *

ISA na namang interesting case hinggil sa  isang pamilya ang tatalakayin sa Face To Face ngayong umaga.

May kinalaman ito sa inang matrona na pero pumatol pa sa isang lalaking bagets. Kitang-kita ng anak ng matrona ang ginagawang panggagatas ng bagets sa ina. At natuklasan pa ng anak ng matrona na  may ibang babaing kinalolokohan ang bagets, at buntis pa.

Ano kaya ipapayo sa matronang ina ng tatlong tagapayo ni Amy Perez ngayong episode ng Face To Face na ipinapalabas sa TV5.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 185
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 268
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 142
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 210
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 207
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC