Stef accepts defeat


TANGGAP ng sexy actress na si Stef Prescott, isa sa tatlong finalists ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown kung hindi man siya ang nanalong Sole Survivor sa katatapos na Live Finale nitong Biyernes (Feb. 10) ng gabi.

Sinabi ni Stef na deserving daw si Albert ‘Betong’ Sumaya  na manalo  at mag-uwi ng P3-M grand prize dahil sa lahat daw ng mga castaway,  at sa sampung natirang finalists, si Betong ang may ‘pinakamalaking puso’ kaya siya ang ibinoto ng pitong judges.

Bagama’t may halong pagkadismaya na ‘di nanalo ng tatlong milyon piso, kontento naman daw si Stef dahil naging  unforgettable  experience sa kanya ang pagsali sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown. Nagkaroon daw siya ng panibagong mga kaibigan, at higit sa lahat, napalapit siya sa matagal na niyang crush na si Richard Gutierrez, na siyang host ng said show. Aminado si Stef na nakakilig ang kaguwapuhan ni Richard. At nang matanong kung feel niya itong makasamang matulog o makatabi sa kama, willing daw siya.

Samantala, nilinaw ni Stef ang tsikang hanggang sa finale raw ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown ay nagkakairingan pa rin sila ng mahigpit na katunggali nila ni Betong  na si Mara Yokohama.  Ayon kay Stef, kahit pa raw naging mahigpit silang magkalaban sa isla at madalas ang iringan, nauwi rin sa tunay na pagkakaibigan ang kanilang samahan. Wika pa ni Stef, anuman daw ang naging iringan nila ni Mara sa isla ay iniwan na nila doon pagkatapos ng showdown.

*  *  *

SPEAKING of Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown Live Finale na ginanap nitong Friday, muntik nang himatayin sa kaligayahan si Betong nang siya ang ideklarang sole survivor.

Ang napakaraming mga tagahanga n’ya namang nasa Studio 7 ng GMA ay nag-tayuan sabay sigawan sa tuwa. Nang ibigay sa kanya nina GMA7 President-CEO Atty. Felipe Gozon at COO Jimmy Duavit ang premyong  P3-M, naiyak na naman si Betong habang tinatawag niya sa stage ang kanyang mother na nanonood din sa Studio 7.

*  *  *

TILA naging ‘malalim’ ang sugat na dulot ng hiwalayan ng landas ng dating mag-syotang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Una na rito ay ang hindi pagdalo ni Aljur sa party para sa kaarawan ni Kylie, na regalo ng kanyang amang si Robin Padilla, na ikinaiyak ng young actress.

Pero, ayon  kay Kylie, sa isang panayam,  walang kinalaman si Aljur sa kanyang pag-iyak sa kanyang birthday party. Luha daw ‘yun ng kaligayahan sa pagdalo ng mga kaibigan na   matagal na niyang hindi nakikita.

Pangalawa, paulit-ulit na sinasabi ni Kylie na hindi na muna siya makikipag-boyfriend hanggang hindi raw siya nanalo ng best actress award, na malamang ang gustong palabasin ni Kylie ay ‘nakabuti’ sa kanya ang break-up nila ni Aljur dahil nagka-acting award siya.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 185
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 268
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 142
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 210
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 207
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC