COMATOSE raw si Laguna Governor ER Ejercito.
Kumalat ang balitang ito nitong Miyerkules ng hapon. Marami tuloy ang nag-alala, lalo na ang mga nagmamala-sakit at constituents ni Gov. ER.
Maging ang publicist ni Governor na si Jobert Sucaldito ay nagulat sa balita kaya hindi ito nag-aksaya ng panahon at kaagad na gumawa ng paraan na makausap ang actor-politician.
Nakausap naman ni Jobert si Gov. ER at sa boses daw nito ay malakas na malakas daw ang actor-politician. Kaya wala raw dapat ikabahala ang mga nagmamahal sa Laguna Governor dahil pinagtawanan na lang daw nito ang bagong paninira sa kanya.
Duda tuloy ng mga tao ni Gov. ER na kagagawan na naman ng political detractors niya ang comatose issue. Makailang beses na kasing ‘pinapatay’ ng kanyang detractors si Gov. ER Pero, okey lang daw ito dahil napipilitan silang laging ibayong pag-iingat ang ginagawa ni Laguna Governor at ng kanyang mga tao. Medyo luwag daw kasi sa security si ER dahil ayaw nitong sinusundan-sundan ng kanyang bodyguards.
Kaya naman nasabi ng butihing gobernador na kung nasa malubhang kalagayan man daw siya, ‘yun ay ang pagkakaroon ng detractors na gagawin kahit ang mga nakakatawang bagay masiraan lang siya.
* * *
Itinanggi ni Katrina Halili, nang makatsikahan namin sa launching ng My Beloved, na nagbenta siya ng kanyang lupa sa Palawan.
Kahit may nagkumpirmang nagbenta na nga siya ng lupa sa Palawan, mahigpit itong pinabubulaanan ni Katrina.
“Hindi totoo yan! That`s super-tsika. Basta kapag itinayo na ‘yung resort ko ro-on, invite ko kayo, guys,” pahayag ni Katrina.
Samantala, habang nagpapaliwanag si Katrina tungko sa diumano’y pagbebenta niya ng lupa sa Palawan, biglang may nagtanong kung may nadarama ba siyang ex-citement dahil sa mayroon taong magka-comeback sa showbiz?
Balik-tanong ni Katrina kung sino ba ang tinutu-koy na magbabalik-showbiz pa-ra siya ma-excite.
Si ‘H’ daw na obviously ay si Hayden Kho ang tinutu-koy.
“Oww? That guy? He`s coming back? Oh, good luck to him! Ha! Ha! Ha!”
Noong mga panahong walang projects si Katrina ay nag-aaral siyang mag-bake, nagbabasa tungkol sa astrology, nutrition at kung anu-ano pa.
Sinabi pa ni Katrina na dahil sa nangyari sa kanya ay lalo siyang tumapang at natutong humarap sa anumang mabibigat na problema sa buhay.
Tanong ulit kay Katrina: Kung magkakasalubong sila ni Hayden Kho sa pagbabalik-showbiz nito, ano ang kanyang gagawin o sa-bihin sa lalaking ‘nambaboy’ sa kanya.
“Actually, ‘yun din ang aabangan ko. Hindi ko pa alam kung ano ang magi-ging reaction ko,” nanggigigil na pag-amin ni Katrina.
* * *
Pagkatapos ng pagho-host ng katatapos na Survivor Philippines ni Richard Gutierrez, kung saan si Albert ‘Betong’ Sumaya ang nanalong sole survivor, isang drama series naman ang ini-hahanda kay Chard ng Kapuso Network.
Nagkaroon na ng story conference ang susu-nod na project ni Richard, at ayon sa aming source, si Ricky Da-vao ang magiging director nito dahil na-impressed daw ang Kapuso Network sa naging directorial jobs ni Ricky sa Siyete. Dalawa ang magiging babae ni Chard sa drama series -- sina Carla Abellana at Sarah Labhati. Bagong image ang ipo-portray dito ni Chard gayundin nina Car-la at Sarah na siguradong ‘magpapainit’ sa actor.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 185
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 268
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 142
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 210
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 207
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more