Frustration pushed Jade to go sexy


Frustration ang ibinigay na dahilan ni Jade Lopez, na StarStruck 1 finalist, kaya napapayag siyang  mag-pose sa isang men’s magazine.   

“Kasi naman pagkatapos kong ma-cast sa All My Life ng  GMA7, hindi na ito nasundan. So, tinapos ko na lang ang pag-aaral ko ng kursong Psychology sa San Beda,”say ni Jade.

Hanggang may nag-offer nga raw sa kanyang mag-pose ng sexy sa isang magazine. Na agad naman daw tinanggap ng young actress.

*  *  *

Humarap sa piling entertainment press ang ilang sikat na PBA players na kasali sa PBA Season 37th Commissioner‘s Cup na nagsimula na kahapon, Feb.10, sa Smart Araneta Coliseum.

Ilan sa mga humarap sa press ay sina Mark Caguioa, Gary David, Mac Mac  Cardona, Ren Ren Ritualo at LA Tenorio.

Dapat, kasama ring haharap si James Yap pero last minute, nag-back-out ito dahil may biglaang lakad daw.

Tuloy agad naisip ng press people na umiiwas si James na ma-interview dahil alam siguro nito na uungkatin ang tungkol sa annulment ng kasal nila ni Kris Aquino.

Anyway, sina Gary Da-vid at Mac Mac Cardona ang ilan sa na-interview namin at nagulat ang dalawa dahil kakaiba raw ang mga tanong ng entertainment press.

Mas nasanay raw kasi sila sa sportswriters na tung-kol lang sa achievement nila sa basketball ang tinatanong.

Ang showbiz press daw, pati lovelife nila, inuurirat.

Sa tsikahan namin kay Mac Mac, naikuwento niyang lumabas na rin pala siya sa TV show kung saan nakasama pa niya si Angel Locsin.

Ang yumaong talent manager na si Douglas Qui-jano raw ang humawak sa showbiz career niya noon.

Pero hindi raw talaga pag-arte ang gusto niyang gawin kundi paglalaro ng basketball, kaya hindi nagtuluy-tuloy ang showbiz career niya.

Samantala, kahit may girlfriend na si Mac Mac, hindi niya itinatago na crush niya si Anne Curtis. 

Nasabi tuloy namin na paglabas ng interview namin sa kanya, malamang awa-yin siya ng kanyang GF.

*  *  *

Hindi direktang inamin ni Jacklyn Jose ang tungkol sa naging relasyon nila ni Lito Pimentel.

Pero itinanggi niyang hanggang ngayon, mayroon pa rin silang lambingan.

Hindi masabi ni Jacklyn kung ‘yung mga paglalam-bing sa kanya ni Lito na may kasamang yakap at halik, pag-ibig pa rin sa kanya. 

Inamin din ni Jacklyn na “honey” ang naging tawagan nila noon ni Lito.

Samantala, hindi pa rin humuhupa ang galit ni Jack-lyn kay Albie Casino dahil sa ginawa nitong paninira sa anak niya. Pinalabas daw ni Albie sa tweets niya na maraming lalaki  na ang naka-sex ng anak niyang si Andi Eigenmann.

Sabi ni Jacklyn nang makausap namin  sa taping ng Valiente, binuntis lang daw ni Albie ang anak niya at saka siniraan para makaiwas sa responsibilidad.

Anyway, willing naman daw ipakita ni Jaclyn ang apo niya kay Albie kung babawiin nito ang lahat ng mga sinabing paninira sa anak niya sa Twitter at mag-public apology ito.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 184
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 266
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 142
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 208
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 206
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC