No PSG for Grace Lee


KUNG dati-rati’y tahimik lamang ang buhay ng Manila-based Korean  radio and TV personality na si Grace Lee, ngayon ay sentro siya ng attention at intriga dahil sa kanyang pagkakaugnay sa Pangulong Noynoy Aquino.  Sa press launch at contract signing ni Grace Lee bilang pinakabagong  karagdagan  as celebrity endorser ng Ever Bilena na ginanap sa Magellan Room ng Discovery Suites last Wednesday, February 8 na nataon pang ika-52 na kaarawan ni P-Noy, hindi nawala sa  Q&A ang tungkol sa pagkakaugnay nila sa isa’t isa.  Itinanggi ni Grace ang mga lumutang na balita na inalok umano siya ni P-Noy ng security.  Being a media personality herself, alam ni Grace na may mga bagay na kailangan niyang aminin pero may mga bagay din siyang kailangang protektahan dahil hindi naman daw ordinaryong tao ang nauugnay sa kanya.

“I have so much respect for the media people at may kani-kanya silang treatment sa paraan ng pagbabalita and I have to admit that I am not ready for this (attention) given to me.  As much as possible, I want to keep the same me even before I met him,” pag-amin ni Grace na napaka-grasyosa in person.

Although pure Korean si Grace (from Seoul, Korea) at wala ni katiting na dugong Pinoy, aminado siya na siya’y may pusong Pinoy dahil dito na siya lumaki at nag-aral.  Fluent at walang accent ang Tagalog ni Grace.  Sampung taong gulang pa lamang nang mag-migrate ang kanyang pamilya sa Pilipinas and that was more than  19 years ago. Nagtapos siya ng International Studies sa Ateneo de Manila University.  Tulad ng ibang fresh graduates, nag-submit si Grace ng kanyang resume sa guard ng ABS-CBN at GMA pero ang Kapuso Network ang nagka-interes sa kanya.  First TV project ni Grace ang now-defunct lifestyle magazine show na “Sweet Life” hosted by Lucy Torres-Gomez na may kung ilang taon ding tumagal sa QTV11 now GMA News TV.  Ngayon ay may daily news program siya sa GMA News TV, ang “Balitang Tanghali” at ang weekend news program ng “24 Oras”.  May dalawa pa siyang upcoming shows sa GMA na ang isa ay makakasama niya si Joey de Leon.  Bukod pa rito ang kanyang radio show sa 89.9FM. 

Paano nagkita at nagkakilala sina Pangulong Noynoy at Grace?

Sa Cebu City sila unang nagkita ni P-Noy sa isang event ng Korean Electric Power Corporation kung saan panauhing pandangal si Pangulong Noynoy at si Grace naman ang host.  Since karamihan ng mga bisita ay mga Korean nationals, naka-traditional Korean costume si Grace.  Maybe, as early as then ay nabighani na si P-Noy sa ganda ni Grace at sa husay nito sa paghu-host.  Nagkataon na sa same table sila naupo during lunch.  Ito ay nangyari nu‘ng June 27, 2011 na nasundan nu’ng November sa Malacañang.  Dahil kilalang-kilala ang pamilya ni Grace among the Korean community sa Pilipinas, madalas silang maimbitahan sa iba’t ibang functions.

Inamin nito na nasa stage pa lamang sila of `getting-to-know each other’ at ayon sa kanya, P-Noy belongs to the people first and foremost.  Nang tanungin si Grace kung may plano silang mag-date ng kuya ni Kris Aquino, wala raw ganoong plano.

Bukod sa media attention sa Pilipinas, aware din si Grace na mainit na item din sila ni Pangulong Noynoy sa Korea.  Pres. Noynoy turned 52 last February 8 at si Grace naman is turning 30 on March 29.  They have a 22 years age gap.

Ang Korean parents  ni Grace ay may respective successful  business sa Pilipinas.  She has a younger sister na nasa college pa.

Ang tanong, si Grace na nga kaya ang hinahanap na babae ni  Pangulong Noynoy? 

'THAT'S ENTERTAINMENT,' GUSTONG IBALIK NI KUYA GERMS

MAY shades ng “That’s Entertainment” ang 16-year-old midnight program ng star builder at master showman na si Kuya Germs (German Moreno), ang “Walang Tulugan” na napapanood tuwing midnight ng Sabado sa rami ng mga young and fresh talents  na kanyang mino-mold at tinutulungan as potential stars balang araw.  Unti-unti namang nagpi-pay off ang efforts ni Kuya Germs dahil isa-isa na ring napapansin ang kanyang mga bagong anak-anakan sa pangunguna ng now popular teen-actor na si Jake Vargas.  Si Jake ay may apat na regular TV shows ngayon sa GMA.  Bukod sa “Walang Tulugan,” regular din siyang napapanood sa “Party Pilipinas,” sa “Pepito Manaloto” at ang bagong simulang teleserye, ang “Alice Bungisngis and Her Wonder Walis” with loveteam mate, Bea Binene.

Samantala, hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang master showman na maibabalik sa ere ang “That’s Entertainment” na nakapag-produce ng napakaraming stars na pinangunahan nina Lea Salonga, the late Francis Magalona, Billy (Joe) Crawford, Ruffa Gutierrez, Piolo Pascual,  Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Caselyn Francisco. Keempee de Leon at napakarami pang iba.  Pero habang hindi pa ito nangyayari, patuloy ang kanyang pagtuklas ng mga bagong mukha sa pamamagitan ng “Walang Tulugan” kung saan kabilang ang 14-year-old daughter ng actor na si Emilio Garcia na si Gabbie Garcia.

THANK YOU

PERSONAL:  Belated birthday greetings kina Dulce Lukban at Koji Miyashita last February 3 at maraming salamat sa Janilyn Shoes at Ricky Reyes-Megamall.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 184
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 266
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 142
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 208
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 206
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC