Young actor has a limp wrist


OBVIOUS na obvious naman ang eyeliner na itim na inilagay sa mata ng young actor (?) na napansin namin sa isang showbiz occasion, huh!

Mukhang patunay tuloy ito sa kumakalat na tsismis na unti-unti na ring lumaladlad ang kapa nito.

Eh, kitang-kita naman sa kilos na nagdadalaga na ang young actor. May sandaling kumekendeng na siya kung maglakad. Eh, napapaligiran pa naman siya ng mga lalaking artista sa bagong show niyang kinabibilangan kaya hindi kataka-takang maging tampulan siya ng tukso!

Naku, ’pag lumaki na siyang “dalaga,” pigilan man siya ng network na tikisin ang damdaming bading, lalo siyang magiging laman ng mga blind item, kahit ayaw ng istasyon.

Mangangamoy at mangangamoy din ang lansa ng bagets na ’yan!

* * *

ILALABAS ni Dingdong Dantes si Marian Rivera after ng guesting nito sa concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa February 14.

“Kung saan, maghahanap pa ako ng lugar ng ganoong oras!” sabi ni Dingdong sa presscon ng My Beloved na simula na sa Lunes.

Pero gusto nga ni Marian sa bahay na sila mag-celebrate dahil may taping sila kinabukasan.

“Hindi. Dapat ano… espesyal!” sambit ng actor.

Baka mapagod o pagurin naman niya si Yan-Yan, huh!

“Hayaan mo siya! Hahaha! Kayang-kaya niya ’yon. Matindi ang training niya sa Amaya!” rason niya.

Nakatulong ba ’yon?

“Nakatulong! Hahaha!” biro ni Dong.

May surprises daw siya minsan gaya ng crepe paper na roses na ibinigay niya minsan.

“Sinabi niya ’yon?” tanong niya.

Kaya pala niyang gumawa ng ganoon?

“Wala! Pero may laman ’yon. Bawat… kasi, 27 siya noon. So, 27… ah… pieces of paper na ginawang rose. ’Yung mismong proseso ng paggawa ng rose, mahirap, eh. So, 27, pero may 27 wishes sa loob. So, isa-isa niyang binuksan!

“Kasi wala rin akong masyadong maisip, eh. Regalo? Mahal! Na puwede naman niyang bilhin o magkamali pa ako.           “Something na maaalala rin niya in some way na magkaroon na rin siya ng bucket list na may 27 things to do siya. Parang ganoon, ’di ba?” kuwento ni Dingdong.

“Nagpaturo ako ng tatlo sa pinagbilhan ko and the rest, ako na. Oo, okey lang siya!” dagdag pa niya.

Teka nga pala, bilang girlfriend, may binabawal pa ba siya kay Marian?

“May paniniwala ako sa judgment niya. Alam naman niya kung ano ang okey sa kanya at hindi. So, may tiwala ako sa kanya,” sagot niya.

Sa muli nilang pagsasama, mas naging excited si Dong sa pakikipagtrabaho sa girlfriend.

“Siguro after everything na pinagdaanan namin, after five shows together, ’yun nga, ini-expect ko rin na baka hindi na. Pero hindi, eh. Sobrang nakakatuwa,” rason niya.

Sa pang-ilan show sila nag-on?

“Ha? Hahaha! Basta isa sa mga ’yon, sigurado!” iwas ng actor.

* * *

BIRUAN lang daw ’yung nasulat na magkakaroon ng torrid kissing scene si Robin Padilla kay Kris Aquino sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN.

“Ano po ’yon, parang nagbibiruan lang sa harap ng press. May birthday surprise lang sila. Biruan lang po ’yon. Wala namang… hindi naman puwedeng mag-torrid ng halikan sa TV. Sa likod na lang ng kamera, puwede naman ’yon, hahaha!” paliwanag  ni Robin after ng presscon ng second season ng Toda Max nila ni Vhong Navarro, Angel Locsin at Pokwang.

Sa isyu namang umiyak ang anak niyang si Kylie dahil kay Aljur Abrenica, walang alam si Robin sa pagkakaiyak ng anak.

“Wala, wala akong alam. Hindi ako nagtatanong at hindi rin ako nagkukusang magtanong,” pahayag ng action idol.

Kung walang binibigay na problema sa kanya si Kylie, bakit pumayag siyang mag-quit sa showbiz ang isa pa niyang anak na si Queenie?

“Kinausap  ko siya nang masinsinan tungkol doon. Eh, ang pananampalayata ni Queenie, hindi natin makukuwestiyon ’yon! Ako, gusto ko ’yon. Ang pangarap namin sa buhay sa mga anak namin, mabuhay na isang Muslim. Masaya ka roon sa pagbabalik-loob niya sa Islam. Wala akong kinalaman doon at desisyon niya ’yon!” katwiran ni Robin.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 184
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 266
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 142
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 208
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 206
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC