Sa presscon ng second season ng Toda Max, sinagot nina Robin Padilla at Angel Locsin ang tanong kung naging sila habang ginagawa nila noon sa GMA-7 ang teleseryeng Asian Treasures na pinagsamahan nilang dalawa.
Na-link kasi sila that time at may nagsasabing niligawan talaga ni Binoe si Angel pero binasted lang ng aktres. May nagsasabi rin namang naging sila nga.
Si Angel ang unang sumagot: “Niligawan ko po siya, binasted niya po ako.”
Seriously, sabi naman ni Binoe, “Wala pong nangyaring ganu’n. Kasi noong panahon na ’yun, martial arts ang pareho naming inibig. Pareho naming passion ang martial arts nu’n, mas binigyan namin ng atensyon ang Asian Treasures.”
Pero hindi itinanggi ni Binoe ang paghangang naramdaman noong panahong ’yun kay Angel.
“Siyempre, isa akong lalaki, kitang-kita ko ’yung hubog. Kitang-kita ko lahat ng sulok. Hindi naman maaalis ’yun, ’pag nag-eensayo siya ru’n sa gym namin dati, talagang lahat doon, mangha lahat.
“Pero siyempre, noong panahon na ’yun, nirerespeto namin ’yung pagmamahal namin sa martial arts,” say ni Robin.
Ngayon ay pareho na raw silang taken at naiinggit nga raw siya sa isa pang co-star na si Vhong Navarro dahil binata pa ito.
“Pero hindi ibig sabihin nu’n ay nagsisisi ako dahil masaya rin ako. Nakakainggit lang ’yung sitwasyon niya,” say ni Binoe.
Nang kunin naman ang reaksyon ni Angel sa sinabi ng action superstar, say niya, “Noong time na ’yun kasi, nakita ko kay Kuya Binoe ’yung pagiging mentor niya talaga.”
She added, “Actually, siya talaga ’yung nag-influence sa akin to appreciate martial arts, hindi ’yung basta ginagawa mo lang kundi maintindihan mo ’yung background, so, parang siya ’yung nagturo sa akin tungkol do’n.
“Even sa paghawak ng baril, na medyo nahihiligan ko po ngayon. Siya po talaga ’yung nag-inspire sa akin doon.”
Actually, lima raw ang naituro sa kanya ni Robin — martial arts, paghawak ng baril, pagbili ng Hummer na sasakyan, leather jackets and skinny jeans na ikinatawa ng action star.
Natanong naman si Vhong kung sino ang masarap kasama between Angel and Anne Curtis. Ang huli ay kasama niya sa It’s Showtime araw-araw.
Say ni Vhong, ang lamang daw ni Anne ay everyday niya itong kasama. Pero bagama’t tuwing taping lang on Thursdays niya nakakasama si Angel, katumbas na rin daw nito ay isang buong linggo.
“So, patas na patas ang labanan. Sinasabi ninyong suwerte ako, so, bakit hindi ko pa lulubusin? Bakit ako mamimili, eh, puwede namang dalawa silang nandiyan? “Double A, parang battery, energy kung energy, ang sarap!” say ni Vhong.
Pero sa personal lovelife niya, inamin ni Vhong na may non-showbiz girlfriend siya pero ang pagpapakasal ulit ay wala pa raw sa plano niya.
Pero, nilinaw niya na gusto pa niyang mag-asawa ulit at bumuo ng pamilya in the future.
Napapanood tuwing Sabado ang Toda Max at kasama rin nina Vhong, Angel at Robin si Pokwang.
Ang nasabing sitcom ay nananatiling numero uno sa timeslot nito. Ayon sa datos ng Kantar Media last Saturday, Feb. 4, nakakuha ang programa ng 13.2 percent against 11.5 and 3.5 ng mga public service program ng kabilang istasyon.
* * *
Magbabahagi ng saloobin ang naulilang ina ni Ramgen Revilla na si Genelyn Magsaysay ngayong Sabado sa The Bottomline with Boy Abunda.
Tunghayan ang mga kuwento ni Genelyn bago at matapos ang kontrobersiyal na pagkakapaslang sa panganay na anak.
Ang ilan sa mga tanong na sasagutin niya ay: Ano ang mga hindi niya malilimutang karanasan mula sa kanyang pagkabata hanggang sa pagiging ina? Ano ang dahilan kung bakit ipinaglaban niya ang pag-iibigan nila ng dating Senador Ramon Revilla Sr.?
Sa pagdadawit ni Janelle Manahan sa kanyang mga anak bilang sangkot sa pagkamatay ni Ramgen, paano niya mapatutunayang inosente sila?
Mapapanood ang mga eksklusibong pahayag ni Genelyn mamayang 11:30 p.m. sa The Bottomline with Boy Abunda, pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 184
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 266
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 142
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 208
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 206
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more