Itinanggi ni Louise delos Reyes na siya ang naba-blind item na bagets star na pinagmamalupitan ng magulang.
“Hindi po ako ‘yun. Lagi ko nga pong kasama ang mother ko. Nandiyan po siya (mother) para suportahan ako at makatulong sa mga pangangailangan ko sa taping at show,” say ni Louise.
Ang inamin ni Louise ay mag-on na sila ni Enzo Pineda, pero hindi daw ito hadlang sa tambalan nila ni Alden Richard sa My Beloved. Dalagang-dalaga na si Louise at lalong sumeseksi kaya natanong siya kung papayag ba siyang mag-pose sa men’s magazine?
“Naku! Hindi po siguro ako papayagan ng magulang ko. Hanggang sa pananamit na lang po ako puwedeng magpaseksi,” tsika nito.
* * *
Dahil mahina ang ticket sales ng nalalapit na concert nina Sharon Cuneta at Martin Nievera, may nag-suggest na isama sina Gabby Concepcion at Pops Fernandez sa kanilang concert para makahatak ng audience.
Pero ayon sa source, hin-di pumayag sina Gabby at Pops na “magamit” sa concert na hindi sila ang “bida.” At ayaw din daw “magpa-gamit” sina Gabby at Pops para lang mapag-usapan ang concert ng kanilang mga ex.
Ang tsika pa, dahil ayaw “magpagamit” ni Gabby, nagkalabasan ng sama ng loob kaya ang resulta, umat-ras na rin daw si Gabby sa pelikulang pagsasamahan sana nila ni Sharon.
* * *
Marami ang nag-akala na mayabang at bastos ang PBA player na si Gary David. Kabaligtaran pala ito dahil nang makausap namin si Gary, na star player ng Coca Cola, sa PBA Top Players presscon sa Gateway Mall, Araneta Center, isang magalang at mahiyaing Gary ang nakaharap namin .
Sa tanong sa kanya tung-kol sa pag-trade sa ibang team ng kanyang teammate, nanghinayang daw siya pero hindi nagalit.
“Nakalulungkot lang na biglang mate-trade sa ibang ballclub ang dati kong teammate. Wala naman kaming magagawa dahil player lang kami at management ng ball-club namin ang masusu-nod,” say ni Gary.
Nalulungkot din siya na mas nabibigyan ng priority ang Fil-Am players kesa sa matatagal na purong Pinoy na manlalaro. Okey lang daw sana kung talagang may du-gong Pinoy ang “imported” na players.
Ipinahihiwatig ba ni Gary na may basketball pla-yers sa PBA na hindi naman Pinoy? Anyway, nagpapasalamat din si Gary dahil binigyan ng pansin ng PBA ang matagal nang hinaing ng pure Pinoy players.
May ruling na raw sa PBA na ang sinumang Fil-Am player, kinakailangang maglaro muna ng isang taon bilang amateur player bago i-draft at makapaglaro sa PBA.
Present din sa PBA Top Players presscon sina LA Tenorio, Ren Ren Ritualo, Mac Mac Cardona at Mark Cagiua. Hindi nakarating sina James Yap, Paul Lee, Willie Miller at Arwin Santos.
Ayon kay Mark, na star player naman ng Ginebra San Miguel, super-ensayo na sila para sa bubuksang conference. Nalungkot din si Mark dahil hindi mapasama ang team sa katatapos na conference.
Klinaro rin niya ang pag-trade sa team mates nilang sina Ronald Tubid at JC Intal sa ibang team. Nag-iyakan daw sila nu’ng mabalitaan ito.
Pero kahit daw magkaiba na ng ballclub ang dating kasamahan, hindi daw na-wawala ang malasakitan nila sa isa‘t isa.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 182
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 264
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 141
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 207
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 203
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more