Pagkatapos i-reveal ni Kris Aquino na kailangan pa pala niyang i-adopt ang dalawang anak na sina Joshua at Baby James para maging legitimate children, mas lalo kaming naguluhan nang magpahayag din ang ama ni Bimby na si James Yap na gusto rin niyang i-adopt ang anak.
“Siyempre paglaki ni Baby James, baka tanungin niya ako na, ‘bakit hindi mo ako in-adopt, eh, anak mo ako?
“So, ’yon ’yung mga wino-worry ko talaga,” sey ni James in a TV interview.
Ang gulo, huh! Ito ba talaga ang bago nating batas ngayon? Na kahit ikaw ang magulang, kailangan mo pang i-adopt ang sarili mong anak para maging legitimate?
So, paano na ’yung mga kaparehong kasong tulad nina Kris at James na nagpa-annul, pero may anak tulad nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, Vilma Santos and Edu Manzano at iba pa?
Anyway, ayon pa kay James, tulad ni Kris, hindi pa rin siya ready na magmahal ulit. Okay naman daw sila ng dating asawa ngayon and in fact, mas maganda na ang relasyon nila.
“Okey naman kasi nag-uuusap naman kami, and ngayon, medyo magkaibigan kami, so, ang gagawin na lang namin is mag-focus na lang sa anak namin,” sey pa ni James.
* * *
Willing na si Sarah Geronimo na magpaka-daring. Ito ang kanyang sinabi sa lumabas na interview sa kanyang official website na sarahgeronimo.com.
“Gusto ko pong mas maging daring na pero hindi naman ’yung sobrang skin revealing po. ’Yung kaya ko lang,” pahayag ng singer-actress sa naturang panayam.
Lately, makikita na talaga ang kaseksihan ni Sarah pero hindi malaswang tingnan. At take note, pinagpapantasyahan na rin siya ngayon ng mga kalalakihan. Naku-compare na nga siya kay Beyonce pagdating sa performance at sa pagiging hot ng kanyang mga production number.
Aminado rin siyang sumusubok siya ng iba’t ibang fashion styles, pero naka-stick pa rin siya sa mga damit na comfortable siya.
“Ayokong magpadala. I’ll always be the girl who doesn’t wear lipstick when I don’t have to,” katuwiran niya sa lumabas na interview niya sa Cosmopolitan Magazine.
Ayon pa sa article na lumabas sa kanyang website, she describes herself bilang isang ‘modern-day Filipina.’ Nasa pagitan daw siya ng tinatawag na manang at liberated.
Pero para maging certified modern-day Filipina, marami pa raw siyang dapat matutunan sa buhay.
“Kasama na rin po kasi ru’n ’yung pagiging independent mo sa mga bagay-bagay at isa po ’yun sa mga gusto kong magawa,” sabi pa niya.
Aminado naman si Sarah, kahit noon pa, na ang kanyang Mommy Divine ang humahawak ng kanyang mga kinikita.
“Talagang ipinagkakatiwala ko muna po kay mommy ang lahat. Pero soon, soon po, aayusin ko rin po talaga para maging hands-on din ako sa savings ko, sa sarili kong kinikita.”
Samantala, todo na ang rehearsal ni Sarah para sa kanyang solo show na Sarah G. Live na eere every Sunday starting February 26.
Bukod sa Sarah G. Live, magiging busy din siya sa shooting ng movie nila ni John Lloyd Cruz, sequel sa dalawang nauna na nilang pelikula na A Very Special Love at You Changed My Life.
Magkakaroon din siya ng birthday concert sa November.
Ayon sa kanyang manager na si Vic del Rosario, may malaking commercial na lalabas si Sarah na ayaw pa niyang sabihin.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 61
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 52
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 57
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more