Double challenge at Bahay ni Kuya


Doble ang mga pagsubok at doble ang gulong sasalubong sa housemates ng Pinoy Big Brother Unlimited sa linggong ito na sinimulan sa pagpasok ng kambal na sina Anthony at David Semerad bilang pekeng swap housemates nu’ng Linggo.

Sa tinaguriang ‘Big Fake Swap,’ magkukunwaring huwad na swap housemates mula sa Big Brother Czech ang kambal na basketball players na sa totoong buhay ay mga Pilipinong may dugong Czech.

Ano ang dala nilang sorpresa na ikagugulantang ng housemates?

Kakaiba rin ang nominasyon sa linggong ito dahil hindi dapat ipaalam ng mga nominadong sina Paco at Tin na nanganganib silang mapalayas sa Sabado.

Samantala, ibinunyag naman ng ex-housemate na si Joya na wala silang samaan ng loob ni Unad, na hindi niya sinasadyang matanggalan ng pagkakataong makapasok sa Top 14 nang pinapili siya ni Kuya kung sino ang hindi karapat-dapat na magpatuloy sa kumpetisyon.

“Naging mas matatag pa nga ang pagkakaibigan namin. Tanggap naman ni Unad at napag-usapan na namin na kahit anong mangyari, parte talaga ng PBB,” paliwanag ni Joya.

Inamin din ng ex-housemate ang panghihinayang sa mga dating housemate na nag-voluntary exit o ’di kaya’y napatawan ng forced eviction, lalo na ang ex-housemate na si Jessica na malaki sana ang pagkakataong makapasok sa Big Four.

“Sayang, kasi binoto siya ng taumbayan. Kung ako ang nasa lugar niya, hindi ako nagpaapekto sa lungkot. Normal lang ’yun sa loob ng bahay. Darating at darating ’yun para tamaan ka,” saad niya.

Dagdag pa ni Joya, mas maganda ang laban ’pag hindi ito sinusukuan at hinayaang mapalabas ng bahay ayon sa desisyon ng taumbayan.

Ganito nga ang nangyari kay Wendy, na inakala ng lahat na magbo-voluntary exit  dahil nahihirapan sa mga hamon ni Kuya.

Nabigo siyang isalba ng mga tagasuporta matapos palayasin sa PBB house noong Sabado nang makakuha ng mas mababang porsiyento ng mga boto laban sa kapwa nominado at matalik na kaibigang si Deniesse.

Subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya araw-araw sa Pinoy Big Brother UnliDay kasama si Bianca Gonzalez sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Angelito: Batang Ama at gabi-gabi sa Pinoy Big Brother UnliNight kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng Walang Hanggan sa Primetime Bida.

Patuloy ding tutukan ang PBB Unlimited Updates ni Robi Domingo.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 60
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 61
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 52
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 57
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC