SUMAMA pala ang loob ni Lovi Poe sa staff ng Party Pilipinas dahil hindi raw siya sinabihan na darating ang ex-BF niyang si Ronald Singson.
Super-nagulat talaga si Lovi nu’ng umapir ang da-ting dyowa para batiin siya sa kanyang kaarawan.
Magkagayunman, “mahal” pa rin daw ni Lovi ang Party Pilipinas kaya sa da-rating na Linggo, sisiputin pa rin niya ang show.
Iginiit ni Lovi na wala na talaga sila ni Ronald at masugid daw itong nanliligaw ulit sa kanya.
Dahil sa surprise ni Ronald sa kanya, tinukso tuloy si Lovi ng press sa contract signing niya bilang bagong endorser ng Extra-derm (direct selling division ng Splash Corporation) na nagkabalikan na sila ng da-ting kongresista.
Pero sabi ni Lovi, ang nagpapasaya sa kanya nga-yon ay ang good reviews na natatanggap niya sa Legacy bilang anak ni Cherie Gil at ang mataas ang rating ng kanilang soap.
Speaking of Extraderm, tinanggap daw ni Lovi na maging endorser nito dahil naniniwala siya sa produkto at subok niyang effective sa kanyang kutis-morena.
* * *
SUPER-DENY pa rin si Kylie Padilla na naging “sila” ni Aljur Abrenica, kahit usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz na naging mag-on sila. Nag-break lang sila before ng 19th birthday ni Kylie noong Jan. 25.
Pero ang kuwento niya sa press, three months silang naging close ni Aljur. Hindi naman daw niya ito nire-regret dahil naging masaya siya noong magkasama sila ni Aljur. Kahit daw ngayong hindi na sila nagkikita, okey lang daw sa dalaga ni Robin Padilla.
Inamin pa ni Kylie na nu’ng naging close siya kay Aljur, hindi siya maka-focus nang husto sa kanyang career.
“Ayokong ma-distract ngayon. Gusto kong mag-grow ang acting ko. Kahit pa sabihin nilang madali akong umiyak. Sa totoo lang, bata pa ako, iyakin na ako.
“Sa totoo lang friends pa rin kami ni Aljur, nagti-text paminsan-minsan. Kumustahan. Yun na lang!” ku-wento ni Kylie.
Anyway, nagpahayag ng kasiyahan si Kylie sa press launch ng Good Daughter dahil pinagkatiwalaan ulit siya ng GMA7 na magkaroon ng solo soap.
Challenge daw kay Kylie ang bagong soap, kung saan love interest niya si Rocco Nacino, dahil mada-drama ang kanyang mga eksena.
Nasa cast din ng Good Daughter si Raymond Ba-gatsing bilang kanyang ama at si Alicia Mayer bilang salbahe niyang madrasta. Kasama rin sina LJ Reyes, Maxx Colins, Ervic Vijandre, Dion Ignacio, Angelie Nicole Sanoy at Luz Valdez, sa direksiyon ni Mike Tuviera.
* * *
SA launching ng My Beloved, na balik-tamba-lan sa TV nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, nabanggit ni Dingdong na malaki na ang ipinagbago ni Ma-rian sa pakikitungo nito sa mga taong nakapali-gid sa kanya.
Lalo sa production people ng My Beloved, dahil laging matulungin na raw sa iba ang girlfriend.
“Pati nga ako, nagugulat sa malaking pagbabagong ito ni Marian. Na-feel ko rin sa kanya ito. Ibang-iba na siya ngayon kaya lalo mong mamahalin,” kuwento ni Dingdong.
Naniniwala rin si Dingdong na very timely ang pagpa-partner nila ulit ni Marian sa My Beloved dahil bagay na bagay daw sa kanila ang role.
* * *
PATOK na patok talaga ang portion ni Boy Pick Up sa Bubble Gang, napapanood tuwing Biyernes ng gabi sa GMA7.
Kung hit si Ogie Alcasid bilang si Boy Pick Up, hindi rin kinasasawaan si Michael V bilang si Che Che Bureche. Idagdag pa ang Bubblets na sina Jackie Rice, Gwen Zamora, Sam Pinto at si Ellen Adarna.
* * *
SA Sabado naman ng umaga sa Tropang Potchi, ituturo ng masayahing mascot na si Potchi kina Julian Trono, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Bianca Umali, Liane Valentino at Lenlen Frial ang kahalagahan ng paghihinay-hinay pagdating sa pag-ibig.
Maaliw kasama ng Tropang Potchi sa alas-9 ng umaga ngayong Sabado, hatid ng Columbia International Food Products, Inc., ang gumagawa ng paborito ng kids na Potchi, V-Fresh, My Juiz, Champy at So Lucky Crackers.
* * *
FIRST time nakapunta ang 2012 Olive-C Campus Model grand winners na sina Rohama Rearte at Aljohn Lucas sa Queen City of the South para makiisa sa annual tradeshow ng Bayan Productions’ “Kabuhayang Swak na Swak” na idinaos sa SM Cebu City, sa tulong Creworks Asia at Psalmstre Enterprises, Inc.
Ayon kay Sir Jim Acosta ng Psalmstre, parte ng res-ponsibilidad ng bagong Oli-ve-C Campus Models ang pagsama sa marketing and special events para mai-promote ang nasabing produkto.
“Umpisa na po ito ng aming Olive-C 2012 Promo Tour na layuning ipakilala ang maganda at epektibong dulot ng Olive-C sa kutis ng mga kabataan at maipa-kilala na rin ang bagong endorsers at campus models sa publiko,” say ni Sir Jim.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 61
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 52
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 57
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more