Umiwas si Zoren Legaspi na pag-usapan ang isyung kinasangkutan ng kanyang misis na si Carmina Villaroel at co-host niya sa Paparazzi na si Dolly Ann Carvajal.
Ito ay tungkol sa naisulat ni Dolly Ann sa column niya na umano ay nag-walk-out si Carmina sa isang commercial shoot kasama si Claudine Barretto para sa isang brand ng gatas.
Ayon kay Dolly Ann sa column niya, pumayag raw si Carmina sa lahat ng demands ni Claudine pero nang hilingin daw ni Claudine na sa kanya ibigay ang mas mahabang lines, nag-walkout daw si Carmina. Mariing itinanggi ito ng live-in partner ni Zoren Legaspi.
Sabi ni Carmina, sa buong showbiz career daw niya, never siyang nag-walkout sa anumang trabaho.
Kaya naman nagpadala rin ng letter kay Dolly Ann ang advertising agency na namahala sa production ng commercial shoot na i-correct o i-retract ni Dolly Ann ang isinulat nito tungkol kay Carmina.
* * *
Hindi naman daw bothered si Jake Vargas na mas maraming nagtatanong about Derrick Monasterio kay Bea Binene kesa sa kanya kahit siya ang leading man ni Bea sa Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.
Katuwiran ni Jake, wala raw ’yun dahil magkapatid sila ni Derrick sa serye at si Lexi Fernandez ang kapartner ni Derrick.
Pinagdiinan ni Jake na hindi siya nakakaramdam ng insecurity kapag nandiyan si Derrick dahil alam niya na may respeto ito sa loveteam nila ni Bea.
“Nagkausap naman kami ni Derrick at alam ko na iiral ang respeto niya sa loveteam namin ni Bea.
“Wala naman masama kung sabihin niya na gusto niya si Bea. Lahat naman tayo, may karapatan na magkagusto sa sinuman na gusto natin. Pero pagdating sa trabaho, may kanya-kanya tayong lugar,” say ni Jake.
Samantala, naka-move on na raw si Jake sa pagpanaw ng mahal na ina.
Nangako raw siya sa ina na ipagpapatuloy ang career para matulungan ang mga kapatid at matupad ang kanilang mga pangarap.
Alam din daw ni Jake na gusto ng namayapang ina na ituloy niya ang kanyang showbiz career at maging matagumpay dito.
* * *
Karamihan ng press na nag-interview sa bagong child star na bida sa Biritera na si Roseanne Magan, na-touch sa pinagdaanan nito.
Kahit sa murang edad ni Roseanne, tumanim sa isip niya na tulungan ang pamilya na maihahon sa kahirapan. Pito silang magka-kapatid at ang ama ay isang factory worker.
Gusto niyang makatulong kaya nu’ng magkaroon ng audition para sa lalabas na bata sa Biritera, kaagad siya nagpa-audition. Dahil magaling talagang kumanta at may potential maging isang sikat na child star, nakapasa siya sa panlasa ni Direk Maryo delos Reyes.
Sa ginanap na press launch ng Biritera, hindi napigilan ni Roseanne na maiyak dahil hindi niya akalain na kasama na siya sa isang TV soap at siya pa ang lalabas na bidang bata.
Sa February 22, 10 years old na si Roseanne at birthday wish niya na magkaroon ng Barbie doll.
Magmula raw kasi nu’ng magkaisip siya, hindi pa siya nakakahawak ng doll.
Nangako naman si Angelika dela Cruz, lumalabas na nanay-nanayan niya sa Biritera na Barbie doll ang birthday gift niya kay Roseanne.
* * *
Wala nang makakapigil sa tandem nina Ogie Alcasid at Michael V pagdating sa pagpapatawa sa kanilang Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA7.
Say ng dalawang sikat na komedyante, kapag may bago silang joke o idea, inire-request daw nila ito sa director ng BG.
Sa tanong kung nagkaroon ng tampuhan sina Ogie at Michael sa BG?
“Never na nagkaroon kami ng tampuhan or sapawan ni Michael. Laging give and take kami para sa ikagaganda ng gag show. Si Michael grabe ang idea niya pagdating sa pagpapatawa. Ako naman nagbibigay din ng idea at sa huli, si Direk Uro (dela Cruz) pa rin ang nasusunod kung puwedeng isama ang idea namin sa show,”sagot ni Ogie.
Natatawa at nagpapasalamat si Ogie sa mga gumagaya sa kanya bilang Boy Pick Up. Hindi raw niya kasi akalain na magkli-klik ang naturang portion sa viewers.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 61
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 52
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 57
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more