Lovi insists she's still loveless


NAPUNTAHAN namin ang Fans’ Day ni Lovi Poe sa SM Manila Activity Center last Sunday at nasaksihan namin kung gaano kamahal ng kanyang fans si Lovi.       

Ang pinakamalayong  fan ni Lovi na nagpunta sa affair ay galing pa sa Samar, huh!

Kuwento ng fan, nag-overnight ride siya para umabot sa Fans’ Day ni Lovi. Kaya maluha-luha ang bading na teenager nang ma-yakap at maka-pictorial si Lovi.

Tatlong kanta ang inihandog ni Lovi sa kanyang adoring fans na matiyagang naghintay kahit pa na-late ang isa sa bida ng Kapuso serye na Legacy dahil sa sobrang traffic na idinulot ng shooting ng Hollywood movie na Bourne Legacy sa may Sta Mesa area.

Pero sulit naman ang pag-hihintay ng fans kay Lovi dahil super-bait ito at talagang kinarir ang pag-pose kasama ang fans.

Puri pa ng fans, hindi raw nakakalimutan ng sexy actress na personal na sagutin ang tweet sa kanya ng fans.

Sa mga nakausap naming kalalakihan idol daw nila si Lovi dahil bukod sa super-sexy at super-ganda ito, maga-ling ding umarte kaya lagi raw silang nanonood ng Legacy.

* * *

PERSONAL din naming na-interview si Lovi Poe sa backstage last Sunday ng Party Pilipinas.

Giit ng magandang aktres, loveless pa rin siya at wala siyang ka-date sa kanyang birthday sa February 11.  Tsika din nito, wala siyang bonggang party, basta magsasalu-salo lang sila ng kanyang pamilya and close friends. Reregaluhan din daw niya ang sarili ng mamahaling sapatos.

Dagdag pa ni Lovi, wala raw balikang nangyari sa kanila ni Ronald Singson, kahit nagkikita sila sa iba’t ibang okasyon, tulad sa Sinulog sa Cebu City at parties ng kanilang common friends.

Kaya sobrang nagulat si Lovi nu’ng dumating si Ronald sa birthday presentation niya sa Party Pilipinas last Sunday.

Dahil sa gulat, tanging nasabi ni Lovi: “Sobrang panliligaw naman ito.”

Sa isang interview kasi sinabi ni Ronald na liligawan daw niya ulit si Lovi.

Pero pinanindigan ni Lovi na: “Masaya ako kahit loveless ako.”

Wala raw siyang alam sa pagpunta ni Ronald sa Party Pilipinas at mga taga-Party Pilipinas daw ang nag-arrange nito para ma-ging madrama ang birthday presentation ni Lovi.

* * *

TUWANG-TUWANG i-binalita ni Bianca King na nakatakdang dumating ang kanyang ina from Canada para umattend ng graduation rites niya on Feb.11 sa PICC.

Si Dennis daw ang kanyang magiging escort at siyempre kasama ang kanyang lola sa kanyang graduation ng kursong Filmmaking sa College of St. Benilde. Kahit anong urirat ng press kay Dennis tungkol sa totoong relasyon kay Bianca, dedma ito. Pero recently, on separate interviews, inamin nina Dennis at Bianca na masaya sila kapag magkasama at nagde-date.

Inamin din ni Dennis na may komunikas-yon sila ng mother ni Bianca.

Excited na nga raw si Dennis na ma-meet ulit ang nanay ni Bianca.

Speaking of Dennis, bida siya sa Biritera bilang ka-patid ng child biriterang si Roseanne Magan, na napapanood sa GMA7.

* * *

IPINAGTAPAT ni Bea Binene na hindi siya apektado kung may namumuo mang pagtitinginan sina Jake Vargas at Lexi Fernandez, na magpartner sa comedy show na Pepito Mana-loto.

“Friends lang naman kami ni Jake, kahit magpartner pa rin kami sa Alice Bungisngis. Okay lang makipartner siya sa ibang leading lady. Sa akin trabaho lang lahat  ang ginagawa namin. Basta, kapag nag-uusap kami, trabaho lang ang pinag-uusapan namin.”

Paglilinaw pa ni Bea, hindi raw nanliligaw sa kanyang si Derrick Monasterio. Magkaibigan din lang sila at magka-partner sa Tween Hearts at sa Alice Bungingisngis, bilang ka-love triangle nila ni Jake.

* * *

TOTOO pala ang tsikang isang Japanese businessman ang avid suitor ni Glaiza de Castro ngayon.

Super-guwapo daw ito at super-bait. Pero ayaw daw munang makipagre-lasyon ni Glaiza after ng failed relationship niya noon kay Patrick Garcia.  Na-realize daw ni Glaiza na mahirap pagsabayin ang career at lovelife.

Lalo ngayon na bida siya sa bagong soap na Biritera, ayaw niyang magkaroon ng sagabal sa pagyabong ng kanyang showbiz career.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 60
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 60
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 56
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC