MATALINGHAGA ang birthday wish ng ex-congressman na si Ronald Singson kay Lovi Poe na nag-celebrate ng kanyang birthday kahapon sa Party Pilipinas.
Obvious na nasorpresa ang isa sa mga bida ng Legacy sa pagsulpot ng anak ni Gov. Chavit Singson.
Although nagsabing mananatiling kaibigan ni Lovi si Ronald, mas marami ang naniniwalang patuloy pa rin ang kanilang relasyon despite the denials na galing sa young actress.
Bakit naman pupunta si Ronald upang sorpresahin si Lovi kung nagwakas na ang kanilang relasyon, ’di ba?
Indeed, action speaks louder than words kina Lovi at Ronald, huh!
* * *
NALUGI raw pala ang dalawang bilyong piso ang isang network sa katatapos na show.
Ang bilis namang lumipad sa ere ng ganoon kalaking pera, eh, parang hindi naman ito nakita sa nagdaang show, huh!
Sa papalit sa nasibak na programa, rehash na tiyak ang mapapanood kahit magkaroon pa ito ng ilang segments.
Naabot na kasi ng papalit na show ang rurok ng tagumpay kaya itong gagawin nilang pagbabago, panibagong suicide na naman ang gagawin ng network!
* * *
INUNA munang lumabas ang ilan sa cast ng TV5 mini serye na Nandito Ako bago ang American Idol finalist na si David Archuleta.
Nagkamali-mali pa nga ang ilang cast sa pag-sasabi ng pangalan ni Gelli de Belen na lumabas na nanay ni Eula Caballero sa Mac Alejandre project.
Bukod kina Gelli at Eula, kasama rin sa cast sina G Tongi, Aiko Me-lendez, Jasmine Curtis Smith, Mon Confiado, Joseph Bitangcol, RS Francsico at Alwyn Uy-tingco.
Sina Eula at Jasmine ang pinakamasuwerte sa cast dahil sila ang madalas na kaeksena ni David, huh!
“Bilang napili po sa isa sa makakatambal ni David, sobrang nagpapasalamat ako. Isa kasi sa tinatanong sa akin, ‘o, Eula, hindi ka ba naiinip kung kelan ka bibigyan ng break ng TV5? Kelan ka magbibida? Bakit si Ritz (Azul), nauna sa ’yo?’ May tumatawa na…
“I’m sure alam ninyo na ’yon. Heto na po ’yung, kumbaga, inaantay ko. And I’m very happy naman. Kumbaga, pinag-grow muna ako ng TV5 bago nila binigay sa akin ito.
“Alam ko namang parte ng pag-aalaga nila ito sa akin. Na dumaan muna ako sa ganito, ganyan, bago… and now, si David Archuleta pa ang makakatambal namin. Napakasaya po.
“Kasi, bilang aktor, katrabaho, siguro, nakakagulat na ganoon siya kagaling. Kasi unang-una po niya itong ginawa. Acting. Ang pag-arte.
“Nasabi ko po talaga na napakatotoo niya hanggang sa camera. Off-cam, on-cam. Like ’pag magkaeksena kami, ’pag feeling niya, hindi niya nabigay nang buung-buo, kung anuman ang puwede pa niyang ibigay sa eksenang ’yon, siya pa mismo ang nagri-request kung puwedeng take two, take three pa.
“So, gusto niya, the best ’yung eksena. Napakagaling po, kaya saludung-saludo po ako.
“Most unforgettable? Sa trabahong ito, hindi lang kay David, hindi pala ito dream. Mami-miss ko ’yung pagkanta niya. ’Yun ang mami-miss namin sa kanya,” paliwanag ni Eula.
Thankful naman si Jasmine sa pagkakapili sa kanyang isa sa leading ladies ni David.
“Overwhelmed pa rin ako hanggang ngayon. Everyday, gumigising ako at sinasabi ko sa sarili ko, ‘totoo ba ito? Hindi ba ito dream?’
“Kasi never kong na-imagine na mangyayari ito sa akin. Kaka-start pa lang ng career ko.
“Working with David is such a pleasure. I’m sure everyone agrees that he’s so easy and light to work with.
“He’s really willing to listen and to grow. To adjust to whatever needs to be done. Napaka-willing niya to do anything. Lahat kami, proud sa kanya. Nakita namin ang pag-progress niya.
“The one thing I won’t forget about David is… everything! Na-enjoy namin ’yung pagkanta niya sa set. Pagka-jolly niya. Masaya po siyang kasama as a person and as a friend. We really won’t forget him,” pagmamalaki ni Jasmine.
Sa Pebrero 20 na ang simula ng Nandito Ako.
* * *
COINCIDENCE na Andrei ang name ng character ni Dennis Trillo sa Biritera na ngayong gabi ang pilot telecast after 24 Oras.
Ito ang name ng video jockey na na-link kay Jennylyn Mercado, dating dyowa ni Dennis, huh!
“Ganoon ba? Hahaha! Nagkataon lang siguro,” rason ni Dennis sa huli naming pag-uusap.
Pero sa ngayon, burado na si Jen sa utak at puso ng aktor dahil bukod sa may Luis Manzano na ang aktres, may Bianca King naman ang aktor, huh!
Sa drama series na dinidirek ni Maryo J. delos Reyes ng Munting Heredera fame, muling masusubukan ang kakayahan ni Dennis na magdala ng programa kasama ang bagong singing child sensation na si Roseanne Magan.
Ngayong hapon din ang simula ng Broken Vow at ang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis nina Bea Binene at Jake Vargas.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 56
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more