Showtime’s crying gimmicks turn negative


Mukhang masyadong corny ’yung naging gimik ng mga taga-Showtime na nag-iiyakan pa nu’ng magpaalam sa publiko, gayong alam naman pala nila na ililipat lang sila ng oras para ipalit sa natigbak nang Happy Yipee Yehey.

Siguro gusto lang nilang malaman kung ano ang ma-giging reaksiyon ng mga tao kung magpapaalam na nga sila sa ere.   

Ang kaso, parang nabantilawan ang gimik nila dahil bago pa ang kunwaring iyakan, kumalat na nga na sila ang ipapalit sa Happy Yipee Yehey.

At saka, hindi ba ibinuko rin naman sila ni John Estrada noon mismong araw ding ’yun?

Ewan naman namin kung kaninong idea ang mag-iiyak pa ang hosts ng Showtime, naging corny tuloy, huh!

Hindi na rin naman bago sa atin na inilalaban ang bagong reformat na Showtime sa Eat Bulaga.

Kung inyong natatandaan, nu’ng mawala ang show ni Willie Revillame sa ABS-CBN, ’yun ding Showtime na ito ang itinapat sa Eat Bulaga.

Nagpilit pa silang gumawa ng panibagong show, kasi nga mas mataas ang rating ng Showtime sa dating time slot nito.

Patunay na hirap sila ta-lagang tapatan ang Eat Bulaga.

Marami na rin namang nag-ambisyong labanan ang Eat Bulaga.

Hindi ba ang TV5 matagal nang sinasabing gagawa ng isang noontime show, pero hindi matuluy-tuloy?

Una, mahina pa ang kanilang signal, doon lang talo na sila.

At saka kahit na ang pinaka-malalaking stars pa nila ang isabak sa noontime show, mahihirapan silang talunin ang team-up nina Tito,Vic and Joey.

Dapat ang gawin nila, mag-isip sila ng alternative programming.  Huwag nakasi nilang kalabanin ang Eat Bulaga.

Ang ibig naming sabihin, dapat huwag na silang gumawa ng gameshow.

’Yun kasing mahihilig sa gameshow, nakuha nang lahat ng Eat Bulaga.

Ang dapat na targetin  nila, ’yung mga ayaw sa gameshows.

Sila ang bigyan nila ng ibang mapapanood baka sakaling umangat pa sila.

* * *

Magkakaroon ng concert si Nora Aunor sa Mayo?

Hay naku, ilusyon na naman ito ng kampo ni Ate Guy.

Hanggang ngayon nga hindi pa rin naooperahan si Nora. At kung maoperahan man siya, mahabang panahon na therapy ang kaila-ngan bago mailagay sa ayos ang kanyang boses.

At mailagay man ito sa ayos, imposible na ring maibalik ‘’yung dating ganda ang kanyang boses. Hindi ganoon kabilis ang paglalagay sa ayos ng boses ni Nora dahil matagal ang healing process para sa kanya.

At saka, tumigil na ba talaga siya sa paninigarilyo at pag-inom ng alak?

* * *

Mukhang nakikipagkaibigan na daw sa TV gays ang isang male starlet na gustong magbalik-showbiz.

Minsan daw, may nasabi pa ito na kahit na may matronang mag-aalaga sa kanya, ok lang. pati sa mga TV gay.

Ang tanong, may papatol pa ba naman sa kanya?



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 60
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 56
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC