Nakita namin sa isang taping ang actor na na-blind-item na nagre-report sa taping ng kanyang show na mukhang hindi naliligo at ’di nagto-toothbrush at parang bagong gising. Hindi namin siya tinanong sa tsismis dahil sunud-sunod ang eksena and that time, maganda ang ayos nito at mukhang mabango.
Gwapo ang actor at sayang kung maba-bad press siya dahil lang hindi careful sa kanyang appearance. Kahit nagmamadali, kailangan pa rin niyang maligo at linisin ang katawan para mabango at malinis siya ’pag nakita ng kanyang fans.
* * *
Magkasunod naming in-interview sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa set ng Ikaw Lang Ang Mamahalin sa Subic Yacht Club. Nag-spoiler ang una sa mangyayari sa kanyang karakter at kahit nalungkot, masaya na rin dahil highlight niya ’yun.
Wala pang next soap si Kristoffer after ILAM. Sa Tweenhearts at Party Pilipinas siya magpu-focus at excited na baka pumunta sa Boracay ang cast ng Tweenhearts sa summer. Nahahasa naman siyang kumanta sa PP at wish nitong magka-album.
Nag-promise si Joyce na ’pag naging sila ni Kristoffer, aaminin nila dahil makakatulong sa love team nila. Dahil sa ILAM, mas nakilala niya si Kristoffer, pero bawal pa siyang magka-BF.
Isi-segue namin ang tsika sa dalawa sa Tweenhearts dahil bida rin naman sila. Sa episode mamaya, gagawin lahat ni Aya (Joyce) para mapansin ni Chris (Kristoffer), pero barkadalang nila ang gusto ang new look niya dahil hindi type ni Chris, maiilang at lalayo pa ito kay Aya.
Mababastos si Aya dahil sa suot, ipagtatanggol siya ni Chris, pero pagsasabihan na iiyakan nito. Magso-sorry si Chris at sasabihin sa ex na ‘di nito kailangang baguhin ang sarili dahil ang ugali niya ang kanyang minahal.
* * *
Gawa ni Rajo Laurel ang green dress na suot ni Karylle sa presscon niya bilang endorser ng Jeunesse feminine napkin. Naloka lang ito sa tanong kung makakatulong sa career niya ang mag-endorse ng napkin. Hahaha!
May demo sa presscon kung paano mas effective ang Jeunesse sa ibang napkin at sabi ni Karylle, mas maganda ito dun sa may mga dysmenorrhea dahil sa negative ion. May anion strip din ito that helps reduce odor and discomfort.
Napansin ng press na matipid magkuwento si Karylle sa relasyon nila ni Yael Yuzon at dahil daw ito sa natuto na siya. Sabi nito: “Bawal na akong magkuwento dahil sa research kong may mga hindi natutuwa ’pag masyadong makuwento sa love life. “
Pero sabi nito, happy siya sa piling ni Yael na araw-araw pinapadalhan siya ng flowers at hindi hinihintay ang Valentine’s Day para bigyan siya ng flowers.
* * *
Ang ganda ng sinabi ni Direk Maryo J. delos Reyes patungkol kay Roseanne Magan, ang batang introducing sa Biritera. “Intelligent, very expressive eyes, magaling kumanta at nakikinig sa instructions,” description ng director sa bata.
May acting coach si Roseanne sa taping at suportado ng buong cast para maging magaling itong aktres. Aminado si Roseanne na singer siya at hindi artista at akala’y singing contest ang pinuntahang audition, nagulat daw siya nang malamang para sa soap ng GMA-7 ang kanyang pinuntahan.
Pilot bukas, after ng 24 Oras, ng Biritera at advance birthday gift ito kay Roseanne na birthday sa February 22 at 10 years old na siya. Grade 3 ang bata sa Earist School at ikinatuwa ang congratulatory wishes ng mga kaklase.
* * *
Lovi Poe Day this Sunday dahil advance birthday celebration ng aktres na magsisimula sa Party Pilipinas at guest din siya sa Showbiz Central. May fans day siya sa SM Manila at magbibigay ng special show at give aways sa kanyang fans.
Launching din ng new TVC ng Red Horse ni Lovi, kung saan, kasama niya si Ely Buendia. Sa fans’ day sa SM Manila, mami-migay ng autographed calendar ang aktres sa kanyang fans.
* * *
Pinasok na ni Ray Gapuz, owner ng Gapuz Review Center, ang recording dahil maglalabas siya ng CD. Entitled Whispers for the Heart ang album with two original songs na gawa ni Vehnee Saturno and four revivals. Para sa music video, kinuha ni Ray sina Venus Raj at Gloria Romero para makasama niya.
Isang top-educator si Ray, sikat sa buong bansa ang review center sa nursing. Kaya sabay ng launching ng CD ang release ng librong sinulat niya entitled Exit.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 56
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more