HANGGANG sa pagda-diet, todo suporta talaga si Marian Rivera sa boyfriend na si Dingdong Dantes base sa tweet ng actor kahapon.
Feeling kasi ni Dong, kailangan pa niyang magbawas ng timbang upang lalo siyang lumabas na katakam-takam sa GMA drama nila ng girlfriend na si Marian, huh!
My Beloved nga naman ang title ng series, so, dapat lang na umakma ang pangangatawan niya’t kaguwapuhan sa programa.
Eh, bukod sa excitement ni Dong sa pagbabawas ng timbang, ilo-launch din ngayong hapon ang bago niyang cologne ng Bench. ’Yun nga lang, kasabay nito ang presscon ni David Archuleta para sa TV5 series niyang Nandito Ako.
Dahil kapwa extreme ang location ng dalawang event, mas pinili ng ibang press na kapwa invited na puntahan ang event ni David dahil bihira naman nilang makita’t makausap ang American Idol finalist.
Next week naman kasi, may presscon si Dong ng GMA show nila ni Marian, so puwede siyang makausap doon.
* * *
SADYANG iniiwas ni Bianca King na pag-usapan si Dennis Trillo kahit na nga nagsabi na ang nanay niyang boto ito sa actor.
Lalo ngayong feeling na niya ay aktres na siya sa bagong show na Broken Vow, kaya lalo siyang natitipid na magsalita tungkol sa diumano’y boyfriend.
“This is harder although equally challenging ’yon dahil preso ako roon (Sinner or Saint). Hindi siya glamorous na madaling tanggapin ng kahit na sinong artista. Pinapangit ako doon. Hindi naka-make-up.
“Dito sa Broken Vow, mas raw at malalim ’yung pinaghuhugutan ng emosyon, akting. Actually, in a lot of these scenes, especially those sa rape, tunay na emosyon ’yon. Coming from the heart. Hindi ako umiiyak ’pag rumorolyo ang camera. Umiiyak ako ’pag hindi rumurolyo ang camera. It hurts. Mas masakit sa puso ’yung trauma na pinagdaanan ni Melissa rito.
“As an actress, natuwa ako at ipinagkatiwala sa akin ang mabigat na role. Ay, kaya ito ni Bianca. Nakakatuwa ito sa akin. After so long na ilang years na gumagawa ako ng supporting roles, sobrang honored at humbled ako na almost eight years, ngayon lang ako nabigyan ng ganito.
“Maganda ’yung timing ni Lord na after ng school ko nu’ng December, graduating na ako sa Feb. 11, ngayon Niya binibigay ang klaseng projects na alam niyang kaya ko na,” pahayag ni Bianca.
Invited ba si Dennis sa graduation niya?
“I’m not sure yet! Hahaha! I think my mom invited him, hahaha!” tugon niya. “I actually haven’t asked him yet,” dugtong ng aktres.
Ilang buwan na silang on ni Dennis?
“Hahaha! Let’s save the space fror Broken Vow. Ipuno po natin ang dyaryo sa Broken Vow para maayos ’yung show,” hiling niya.
Bakit kailangang magpaalam pa ni Gabby Eigenmann kay Dennis sa pagsasama nila?
“Hindi ko nga alam, eh. It’s not necessary. Pero sa kanya, choice niya po ’yon,” tugon ni Bianca.
* * *
TATLONG TV drama at dalawang pelikula na pala ang nagawa ng Korean actress na si Jang Kyung Ah na kapareha ng Japanese actor na si Jacky Woo sa pelikulang ginagawa nila sa Korea. Ito ay ang pelikulang Perfect Game (2010) at A Blood Pledge (2009).
Ang TV drama naman ni Jang ay ang Tree With Deep Roots (2011), Rock, Rock, Rock (2010) at Tamra The Island (2009).
No wonder, agad nagkasundo sina Jacky at Jang nang simulan ang shooting kahit na nga sobrang lamig ngayon sa Busan, Korea.
Puspusan kasi ang pagtatapos nito na hindi lang sa Korea at Japan ipalalabas kundi sa mga international filmfest din, huh!
So, ’yung followers ni Jacky dito na nagtatanong kung kelan ang balik niya ng bansa upang magpatawa uli sa Bubble Gang, after ng commitment niya sa 24 Hours, eh, muli siyang bubulaga sa bansa.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 56
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more