David A sings like a Filipino


Hindi namin napigilang hindi matawa sa tsika tungkol sa isang young star nang minsang mag-guest sa isang show.

Straight ang mahaba nitong buhok at para maiba ang hitsura, ipinakulot ng EP ng show sa stylist.         Kaso ayaw ng mother nito, kaya ipina-straight ang buhok ng anak.

Nang makita ng EP na straight pa rin ang buhok ng young star, ipinakulot uli, pero pina-straight na naman ng mother nito.

Three times nangyari ’yung kulot-straight sa buhok ng bagets at nasunod lang ang ina nito nang sabihing hindi niya palalabasin ang anak ’pag kulot ang hair.

Mabait ang young star at walang reklamo habang kinukulot at ini-straight ang buhok niya kahit buhok niya ang maaapektuhan at hindi buhok ng EP at mother niya.

In fairness, sa interview sa young star, hindi nakikialam ang mother nito, kaya maitatanong namin ang tungkol dito sa bagets.

* * *

Naikuwento ni Regine Velasquez ang reaction ni David Archuleta nang puntahan nila ni Ogie Alcasid sa recording ng theme song ng soap nito sa TV5 na Nandito Ako.

Sabi ni Regine, nakatingin lang sa kanya si David at naaliw siya dahil updated ito sa buhay niya at tsinika kung paano siya nakilala.

Tuwang-tuwa sina Regine at Ogie sa mahusay na pagkakakanta ni David sa Nandito Ako, walang accent at parang Pinoy ang kumanta.

Nanghihinayang si Regine dahil wala na rito si David sa Mr. & Mrs. A concert nila ni Ogie sa February 14 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa presscon ng Nandito Ako, si David naman ang pagkukuwentuhin natin sa paghaharap nila ni Songbird.

Anyway, sa mala-ticket sa sine at concert na invite sa mini-serye ng TV5, napapagitnaan si David nina Jasmine Curtis-Smith at Eula Caballero.

Ang controversial na si Mac Alejandre ang director ng Nandito Ako.

* * *

First taping day ni Rochelle Pangilinan sa Broken Vow kinunan ang sexy dance niya sa harap ni Gabby Eigenmann at dumagdag sa nerbyos niya ang outfit na ipinasuot sa kanya.

Mabuti at magkakilala sila ni Gabby at thankful siyang ito ang kaeksena dahil inalalayan siya nito.

Sa mga sampalan scene, gaya noong sampalin niya si Bianca King, nagpaalam muna siya kung okey na sampalin niya ito dahil takot siyang magalit ito sa kanya.

Malaking tulong sa kanya ang pagiging dancer.

Sabi ni Rochelle, hindi na kinailangang magpaalam ni Gabby sa BF niyang si Arthur Solinap dahil alam naman ng nobyo ng nagtatrabaho lang siya at kampante ito kay Gabby.

Panonoorin ng nobyo ang Broken Vow at ito ang magiging critic nya.

* * *

Nag-i-experiment ang GMA-7 sa Biritera dahil ang mga gumaganap na kontrabida ay mababait ang role rito.

Gaya na lang ni Ryan Eigenmann na laging kontrabida, pero bilang si Mr. D na manager ng The Bridge, good guy siya rito.

Umaasa si Ryan na sa Biritera, maaalis na ang takot ng mga bata sa kanya dahil ’pag nakikita pala siya sa labas, itinuturo siya at umiiyak.

Nagkaroon tuloy siya ng takot na magka-baby dahil baka sariling anak ay matakot sa kanya.

Pero nakita naming kasama ni Ryan ang misis na si Cathy Bordalba at anak nilang si Catalina sa presscon ng Biritera.

Ang gandang tingnan na hawak ng aktor ang anak after the presscon.

Ang bagets ang isa sa mga rason kung bakit tinanggap ni Michael de Mesa ang Valiente at iniyakan ng 30 minutes nang makaharap.

* * *

Isa na sa favorite Kapuso stars si Bianca King dahil bago ang Broken Vow sa Monday, mapapanood muna siya sa Maestra episode ng Spooky Valentine today  with TJ Trinidad.

Gaganap sila bilang sina Elena at Nestor, respectively.

Magaling at mabait na teacher si Elena, pero nagbago ang ugali nito after madestino sa isang liblib na probinsya, may makilalang misteryosang babae at mahawaan ng pagiging aswang.

Never siyang iiwanan ni Nestor, pero paano kung gugustuhin na ni Elena ang mamatay?

* * *

International edition ang mapapanood sa Talentadong Pinoy bukas dahil ang limang contestants ay galing sa ibang bansa na bumalik ng Pilipinas.

Si Edward Lava, galing sa Singapore at nagtrabahong hairstylist at personality trainer. Si Miguel Antonio Vedanaigam, 11 years old at sumali na ng singing contest sa Singapore; si Perry Salcedo na bumalik ng ’Pinas after 20 years na pagiging English teacher sa Hong Kong.

Si Liza Parantan na nagtrabahong domestic helper sa Hong Kong for 16 years at si Erick John Dizon na naging bar tender sa Dubai.

Sina Allan k, Tuesday Vargas at Arnel Pineda ang talent scouts na pipili ng winners sa limang contestants ng Talentadong Pinoy International Edition ng TV5.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 60
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 56
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC