Blind item: Isang nakikilala nang young actor ang magiliw na in-entertain ang mga nagpapa-picture at nagpapa-autograph sa shooting nila sa pelikulang minamadali nang matapos.
Nagpaunlak naman si bagets. "Sige po, okay lang po!" Pose at click!
Pa-autograph naman! "Sige po, walang problema!" Sinulat ang message sa papel. "Thank you po!"
May isang nanonood, lumapit. "Kilala kita, kilala kita! Puwede pa-kiss?"
"Sige po, okay lang po!" Ibinigay ang pisngi at, "Tsup!" sabay yakap ng fan sa bagets actor.
Kilig na kilig ang babae.
"Sige po, thank you po!" sey ng bagets actor at nu'ng kumaway para magpaalam, tumalikod na siya.
Ang sey niya sa mga kasamang umalalay sa kanya, "Mga amoy pawis!"
Actually, ang ganitong eksena ng pandidiri ay hindi na nakaka-shock, dahil ilang artista na rin ang naringgan namin ng ganito, pero sinasabi nila 'yon sa mga ka-close nila, kaya within friends din ang ikot ng kuwento.
Pero sa puntong ito, may ibang taong nakarinig na na-offend para du'n sa fan na yumakap at humalik sa young actor.
Kulang na lang sabihin ng bagets aktor, "Maligo muna kayo bago kayo lumapit sa akin."
* * *
Due to insistent public demand, totoo, ibabalik nga sa ere ang Palibhasa Lalaki.
'Yan ngayon ang hirit ng Twitter followers since sina Joey Marquez (na nasa Showbiz Inside Report), Richard Gomez (na nasa Walang Hanggan) at John Estrada ay pare-pareho nang nasa ABS-CBN, ba't daw hindi na lang ibalik ang Palibhasa Lalaki?
Ang huling alam namin, mainstay ang tatlong nabanggit at 'yung ibang characters ay in-and-out ang sulpot sa sitcom.
Tulad namin (maisingit lang ang sarili, hahaha!) na nu'ng araw ay in love kay Joey Marquez, pasulput-sulpot din. Ganu'n din si Carmina Villarroel.
Ang lasenggerang si Tita Minerva (Gloria Romero), ang alam namin, tinatapos lang ang Munting Heredera at gusto ring sumama uli sa original cast.
Sina Eric Fructuoso at Jomari Yllana ay nandiyan din. Ang co-Guwapings member namang si Mark Anthony Fernandez, ang alam namin, may kontrata pa sa Channel 7.
Siyempre, abangan ang mga bagong mukhang susulpot at magpapakilig sa mga kababaihan.
Hindi po kami 'yon. Taken na po kami. ’Chos!
* * *
Ngayong hapon, pagkatapos ng Happy, Yipee, Yehey! ay sasainyo naman ang Showbiz Inside Report, isang naiibang talk show, dahil investigative ang dating.
Isang pinag-uusapang isyu ang hihimay-himayin.
Ang Ramgen case ang unang hihimayin. Si Janice de Belen ay makakausap nang mahabaan si Genelyn Magsaysay at maraming rebelasyon si Genelyn kay Janice.
Si Carmina naman, kakausapin nang malaliman si Janelle Manahan at si Joey, ang damdamin naman ng ama ni Janelle ang aalamin.
Kami, nagtungo sa university belt para alamin ang pulso ng mga estudyante at mga manininda doon kung para kanino ang kanilang simpatya?
Kay Genelyn o kay Janelle?
Lahat ng 'yan, bukas na!
* * *
Sa Twitter followers, sundan n'yo lang po kami sa @ogiediaz at paki-like na rin po ang www.facebook.com/vibestayo para sa ating online radio.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 56
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more