WHAT'S happening to GMA’s homegrown talents na isa-isang naglilipatan ng ibang studio, kung hindi sa ABS-CBN, sa TV5 ang bagsak? Nakakaalarma ang isa-isang pagkawala sa kuwadra ng Kapuso Network ng kanilang mga in-house talents.
The most recent transferees sa Kapamilya Network ay sina Iza Calzado at Carmina Villarroel. Earlier, sina Jewel Mische at Paulo Avelino not to mention Jake Cuenca, Anne Curtis, Cristine Reyes at iba pa na sa GMA lahat nagsimula. Nanganganib pang mawala sa GMA ang isa pa nilang homegrown talent na si Carla Abellana na ang kontrata ay magi-expire na sa susunod na buwan. Anne, Jake and Cristine are now in the big stars league habang very promising naman ang takbo ng career nina Paulo at Jewel na hindi nawawalan ng projects sa ABS-CBN after their move.
JOHN WALA SA BABY SHOWER
HINDI namin namataan si John Estrada sa baby shower ng magiging unang supling nila ni Priscilla pero nandoon ang mga anak na babae ni John kay Janice de Belen. Wala rin kaming nakitang mga kilalang celebrities sa nasabing affair kundi malalapit lamang na kaibigan ng dating Miss Earth. Very hands on si Priscilla mula sa preparation ng invites, program, color motif, give-aways, food, games, prizes at iba pa.
Ganoon din siya ka-hands on sa wedding preparations nu’ng sila’y ikasal ni John last February 26, 2011 sa isang beach sa La Union.
LUIS MALIGAYA SA DALAGANG INA
KUNG tutuusin, kayang-kaya ni Luis Manzano magkaroon ng isang girlfriend na hindi isang dalagang-ina tulad ni Jennylyn Mercado. Pero ang mahalaga, nagmamahalan ang dalawa.
Hindi rin nakikialam ang ina ni Luis na si Batangas Gov. Vilma Santos. Ang mahalaga raw ay masaya ang mga ito at mabait at magalang daw si Jennylyn. Kung tanggap nga naman ni Luis si Jennylyn kung anuman ang past nito, lalong hindi raw (Gov. Vi) siya makikialam lalu pa’t nakikita naman niya sa kanyang panganay na anak (by estranged husband Edu Manzano) kung gaano ito kasaya ngayon.
VIC MAY KARAPATANG LUMIGAYA
BALITANG kontra si Oyo Sotto sa napapabalitang relasyon ng kanyang amang si Vic Sotto sa kasamahan nito sa “Eat Bulaga” na si Pauleen Luna na mas bata di hamak sa kanila ng kanyang ate na si Danica Sotto-Pingris.
Pero kumontra man si Oyo at ang mga kapatid sa relasyon ng kanilang ama at ni Pauleen, at the end of the day, si Vic pa rin ang masusunod. After all, siya (Vic) ang magdadala ng kanilang relasyon at hindi ang kanyang mga anak.
Hindi naman naging pabayang ama si Vic sa kanyang mga anak kaya may karapatan din naman siyang (Vic) lumigaya at pumili ng babaeng kanyang karelasyon lalu pa’t matagal nang hiwalay at annulled ang kasal nila ng ex-wife na si Dina Bonnevie.
BIG SISTER KC
NASAKSIHAN namin ang unang pagkikita ng half-sisters na sina KC Concepcion at Garie (anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna) na nangyari mismo sa burol ng kanilang lolo, ama ni Gabby, a couple of years ago. Si Gabby pa mismo ang nag-introduce sa magkapatid na naging simula ng kanilang pagiging close. Close na rin ang magkapatid na KC at Garie sa isa pa nilang kapatid sa ama na si Cloie (by Jenny Syquia) na in town ngayon kasama ang kanyang ina. Sa tatlong half-siblings, si Cloie ang youngest (17) at star material din tulad ng kanyang Ate KC.
Bilang bonding moments ng magkakapatid, magkakasama silang nanood ng recent concert ni Katy Perry sa MOA Grounds nung nakaraang linggo.
Sa Sweden lumaki si Cloie kung saan naka-base si Jenny at Swedish husband nitong si Filip. May 5-year-old half-sister si Cloie, si Filipa.
HEART IS 27 BUT NO WEDDING PLANS YET
HEART Evangelista is turning 27 on February 14, ka-birthday ni Kris Aquino. Getting stronger ang description ni Heart sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga pero wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal dahil pareho pa silang hindi handa at marami pa umano silang plano sa kanilang respective careers.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 56
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more