SERYOSONG sinabi ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa interview namin na pinakamamahal niya ang Pinoy movie industry.
Kaya gusto niyang ituloy ang adhikain noon ng kanyang ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos, nang itatag nito noong ‘80s ang Manila International Film Festival na naging daan para maging sentro ng pelikula sa Southeast Asia ang Metro Manila.
Dalawang malalaki at makakabuluhang Pinoy movies ang nalikha nang panahong ‘yun -- Himala ni Nora Aunor na idinirek ng Ishmael Bernal, at ang Oro Plata Mata na bida si Joel Torre at idinirek ni Peque Gallaga.
Ngayong 2012, si Gov. Imee ay gumawa ng isang mataas ang kalidad na indie film na pinaghalong animation at real actors na sumikat nitong 2011 Metro Manila Film Festival, ang Pintakasi, na humakot ng awards sa indie film category ng taunang filmfest. Nakuha ng Pintakasi ang best film award.
* * *
NAKITSIKA kami sa last taping day ng Ikaw Lang ang Mamahalin ng GMA7 na ginanap sa Yacht Club ng Subic Free Port sa Zambales.
Saksi kami sa sweetness nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. Dalawang linggo na lang ang itatagal sa ere ng Ikaw Lang ang Mamahalin, pero hanggang ngayon ay napakataas pa rin ng ratings nito.
Buong pagmamalaking ikinuwento sa amin ni Joshua na para sa kanya, si Barbie lang ang pinakamagaling niyang leading lady, wala na raw iba pa. Kumportable na kasi sila sa isa’t isa. Kung wala man daw silang relasyon dahil 14 years old pa lang si Barbie, super close naman silang dalawa. Inamin ni Joshua na nanonood silang dalawa ng sine, at kumakain sa labas.
* * *
TOTOONG nagpapaligsahan sa panunuyo kay Glaiza de Castro sina Felix Rocco at isang non-showbiz businessman.
Madalas na umaakyat ng ligaw kay Glaiza si Felix sa bahay ng dalaga sa may Commonwealth, Quezon City. Ang businessman naman ay gayundin. Mabuti na lang daw at hindi nagka-kasabay ang dalawa sa panliligaw.
Pero, sabi naman ni Glaiza, wala pa talaga sa isip niya na seryosohin ang mga nanliligaw. Busy raw kasi ang dalaga sa kanyang showbiz career tulad ng halos araw-araw niyang taping para sa Biritera, ang first team up nila ni Dennis Trillo para sa primetime ng GMA7.
* * *
PINAKAMASAYANG birthday raw ni Lovi Poe ngayong February.
Laya na kasi si Ronald Singson at tsikang nagkabalikan sila.
By the way, bukod sa big birthday celebration ni Lovi sa Party Pilipinas ngayong Sunday, magi-guest din siya sa Showbiz Central. May nakatakda rin siyang Fans’ Day at 5 p.m. sa SM Manila ngayong Sunday (Feb.5). Kasalukuyang napapanood si Lovi sa top-rating agad na Legacy kung saan kasama niya sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi, Sid Lucero at Geoff Eigenmann. At magkakaroon ng nationwide mall tour ang buong cast ng Legacy starting Feb. 12.
* * *
HINDI makaporma nang husto si JC Tiuseco sa leading lady niyang si Sarah Lahbati sa soap ng GMA7 na Kokak.
Sa panahon kasi ng taping nila ay marami siyang dinaramdam sa katawan. Katatapos lang niyang magpaopera sa tuhod at nasa rehabilitation period siya.
Pero, aminado si JC na in love talaga siya kay Sarah. Napakabait daw kasi nito at super-ganda at napaka-seksi pa. Ang isa pang dahilan kaya hindi siya makaporma nang husto kay Sarah dahil ‘di pa rin siya makapag-move on sa trauma ng paghihiwalay nila ng naging girlfriend na si Maxene Magalona.
* * *
KUNG mahal ni Ogie Alcasid ang musika dahil isa siyang award-winning composer, di rin niya iiwanan ang pagiging comedian-actor.
Masaya raw siya sa parehong mundong ito. Sanay na siyang magpatawa at nagamit niya ito sa pagganap niya sa Daldalita na nagtapos na nitong Friday.
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 59
By : Bong de Leon
THE members of the entertainment press came early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview with the lead actor, Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 60
By : Mario Bautista
THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : People's Tonight
GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 56
By : Nel Alejandrino

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family. Lalo pa nga at free from school ngayon ang only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more
Published : Thursday May 17, 2012 | Category : Showbiz | Views : 51
By : Vinia Vivar
FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more