Janno happy to be out of 'Eat Bulaga'


NATANONG namin si Janno Gibbs kung bakit hindi na siya uma-appear sa Eat Bulaga.

Sa presscon ng Alice Bungisngis, sinabi ni Janno na lagi siyang nale-late sa naturang noontime show kaya kinausap daw siya ng TAPE, Inc. executive na si Malou Choa-Fagar na ‘magpahinga’ muna siya.

Hindi naman daw sumama ang loob niya. At hindi rin daw siya na-depress dahil nu’ng time nang kanyang ‘pamamahinga’ ay nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-bonding sa kanyang pamilya, lalung-lalo na sa asawa niyang si Bing Loyzaga. Kaya ‘yung nagbabanta raw nilang paghihiwalay noon ay hindi natuloy.

“Dahil sa paghinto ko sa Eat Bulaga, nagkalapit  nang ang husto ang loob namin ni Bing at maging sa dalawa kong  anak. Dalaga na nga si Alyssa, eh, at  kaga-graduate lang, pero may trabaho agad.  Enjoy na enjoy siya sa kanyang trabaho sa sister company ng Folded ‘N Hung bilang designer. ‘Yung lalaki ko naman, still studying,” kuwento ni Janno, na na-miss ang mga kaibigang press people.

Ngayong okey na si Janno, natutuwa siya dahil binigyan siyang muli ng trabaho ng GMA7 bilang si Hilario sa Alice Bungisngis na pinagbibidahan ni Bea Binene.

Napag-alaman din namin na ang anak ni Teresa Loyzaga (sister ni Bing) kay Cesar Montano na si Diego ay sa kanila nakatira.

“Maganda ang role ko sa Alice Bungisngis. Lalabas na naman dito ang aking pagkakomedyante. Ang sarap ding katrabaho ni Bea. Sobrang bait ng batang ‘yan,” pagtatapos ni Janno sa panayam namin.

*   *   *

GULAT na gulat si Regine Velasquez nang malamang lumipat na si Iza Calzado sa Kapamilya Network.

Akala raw niya ay tsismis lang, pero nang mapanood niya ang magandang actress sa ASAP nu’ng Linggo, totoo raw pala ang balita.

Nanghihinayang ang Asia’s Songbird dahil gusto raw sana niyang makatrabaho si Iza ngayong balik-showbiz na siya after makapagpahinga matapos manganak ng baby nila ni Ogie Alcasid. Nag-enjoy daw kasi si Regine habang pinapanood si Iza bilang siya (Regine V) sa teleserye nila noon ni Dingdong Dantes. Si Iza ang pumalit sa role niya sa I Heart You Pare  nu’ng malaman niyang buntis na siya.

"Nalungkot ako talaga," saad ni Regine.

Matatandaang muntik na ring lumipat si Regine V noon sa ABS-CBN. Pero sa huli ay nagdesisyon siyang manatiling Kapuso.

*   *   *

PALIBHASA gumagawa na ng sariling pangalan sa showbiz  ang young actor na si Edgar Allan Guzman kaya nababato ngayon ito ng mga intriga.

Diumano'y matigas na ang ulo at nagiging pasaway na ang young actor kaya raw medyo nagkaroon ng ‘wall’ ang samahan nila ng manager na si Noel Ferrer.

Klinaro ni Edgar ang isyu against him sa presscon ng pelikulang Unofficially Yours ng Star Cinema na ipapalabas na sa Feb.15 sa mga sinehan na pinagbibidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.

Ayon sa young actor, nagkausap na sila ng ma-nager at nagkaayos na last December pa. Aminado si Allan na may mali siyang nagawa. At ‘yun ay ang hindi pagtatapat sa kanyang ng kanyang mga ‘ginagawa.’

Minsan daw kasi ay ti-nawagan siya sa cellphone ng kanyang manager at sinabi niyang nasa  bahay  lang siya at nagpapahinga. Pero may nakapagsabi pala kay Noel na nasa mall ang young actor at ka-date ang girlfriend na isa sa dancers ng EB Babes.

“Hindi naman po ako pasaway at matigas ang ulo, nagkaroon lang po ng misunderstanding,” sabi ni Edgar.

Samantala, klinaro rin ni Edgar na hindi niya mas pinili  ang Unofficially Yours  kesa sa teleseryeng dapat na pagsasamahan nila ng American Idol na si David Archuleta sa TV5.

Paliwanag ni Edgar: "Hindi naman po sa mas pinili ko. Actually, mas na-una po kasi naming tinanggap itong movie ng Star Cinema. Dahil nga nag-kasapaw-sapaw na ‘yung schedules ko kaya kaila-ngan naming i-give up ‘yung  kay David Archuleta. Wala  namang regrets kasi masaya naman ako sa pelikula namin  nina  An-gel Locsin at John Lloyd Cruz."



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 56
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC