Angel has no inhibitions in 'Unofficially Yours'


Nagkagulo sa Roxas Boulevard, sa kanto ng Buendia sa Pasay City noong Lunes.

Doon kasi ginanap ang taping ng My Beloved, ang bagong primetime series ng GMA7 na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Naging cause of traffic ito sa naturang lugar dahil akala ng mga miron sa paligid at motorista, shooting ‘yun ng Hollywood movie na Bourne Legacy.    

Ayon sa mga taga-Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi raw humingi ng permit ang production staff ng GMA7 para sa taping nila sa flyover ng Buendia at Roxas Boulevard.

“Kailangang kumuha muna sila ng permit bago sila maglatag ng kanilang gagawin sa kalsada,” paalaala ni MMDA Assistant Gen. Manager Murph Carlos sa producers ng pelikula, lokal man o international, bago magsagawa ng shooting sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Wala raw permit ang producers ng My Beloved sa Pasay City kaya pinatigil nila ang taping nito.

Sa naturang taping, isang pampasaherong bus ang sadyang isinabit at dahan-dahang ibinababa sa flyover na bahagi ng eksena sa My Beloved.

Dahil dito, sinisi ng ilang “internet social media users” ang MMDA dahil sa hindi pag-aabiso sa publiko at kawalan umano ng sapat na traffic enforcers sa lugar sa pag-aakalang may bumagsak na bus sa Buendia flyover.

Dahil na rin sa matinding abala, agad namang humingi ng paumanhin ang executive producer ng My Beloved na si Mona Mayuga, at nagsabing kumuha naman sila ng permit sa Pasay City bago nila ginawa ang eksena sa naturang lugar.

*  *  *

Ibinulgar ni John Lloyd Cruz  na nauuna pang maghubad si Angel Locsin sa eksena nilang romansahan sa Unofficially Yours.

Katwiran naman ni Angel na nabigla sa pagbubulgar ni John Lloyd, at lumalabas na  atat na atat siya sa love scenes nila, na kailangan niyang maging professional at para mawala ang pagkailang  nila ni John Lloyd sa isa’t isa sa gagawin nilang love scene.

Eh, atubili raw kasi palaging maghubad sa harap ni Angel si John Lloyd kaya siya na ang naunang magtanggal ng saplot sa katawan.

Bawi naman ni John Lloyd, napakasuwerte niya dahil nakaromansa niya sa pelikula ang napaka-professional actress na si Angel na walang kaarte-arte sa mga delikadong eksena, lalo sa love scene nila na kahit walang saplot sa katawan.

Dahil hindi naman daw sila  bold stars, ‘di uso ang paglalagay ng plaster sa maselang bahagi ng kanilang katawan. Sabi pa ni John Lloyd, kung ilang beses daw nanginginig sa pananabik ang kanyang katawan sa tuwing nasa kanyang harapan ang hubad na si Angel.    

By the way, istorya ng Unofficially Yours ang lihim na nangyayari na one-night stand ng mga kalalakihan at kababaihan.

“Dahil sensitive ang tema at mga eksena sa  movie, tatlong  taon bago nakapagdesisyon ang Star Cinema  na i-shoot namin ang Unofficially Yours,” paliwanag ni Direk Cathy Garcia-Molina.

*  *  *

Iniintriga ang paglipat ng oras ng show ni Atty. Persida Acosta na Public Atorni: Asunto o Areglo na mapapanood na mula Lunes hanggang Biyernes, 4:30 pm, sa TV5 na dating oras ng Face to Face ni Amy Perez.

Mas pinaboran daw ng Kapatid Network ang show niya kumpara sa show ni Amy na inilipat sa morning show.

“Naku! Walang ganyan. Pareho kaming love ng TV 5 at ng aming big boss na si Mr Manny V Pangilinan. Nasa Face to Face din ako at malaki ang utang na loob ko sa show. Walang intriga sa amin dahil kaibigan ko rin si Amy. Nagkataon lang na ginawang araw-araw na ang Asunto o Areglo ko, walang kinalaman doon ang paglipat ng oras ng Face to Face,” paliwanag ni Atty. Acosta.

Ang maganda sa show ni Atty. Persida, kaabang-abang at nakakapagbigay ng kaalaman sa mga problemang na kinakaharap ng mga Pinoy.

Nagiging daan ang show ni Atty. Acosta para maibsan o maiwasan na humantong pa sa demandahan ang kaso ng dalawang panig.



Showbiz News

Raymart snubs presscon

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Bong de Leon

THE members of the entertainment press came  early for the newest family-oriented drama on primetime, Luna Blanca to replace Biritera starting May 21 on GMA Telebabad hoping against hope that they can have an interview  with the lead actor,  Raymart Santiago. But until the end of the presscon, Raymart didn’t... Read more

Luis a good catch for Jennylyn

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 59
By : Mario Bautista

THOSE who watched Luis Manzano and Jennylyn Mercado looking so lovey-dovey in “Showbiz Central” last Sunday pray that their relationship would really last. But one veteran writer who chooses to be negative says all those who proclaimed their love on TV eventually broke up.“Tingnan n’yo na lang sina Heart Evangelista... Read more

Thumbs up for 'The Road'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : People's Tonight

GMA Films’ The Road gained favorable reviews from two major U.S. newspapers, The New York Times and The LA Times, in time for its commercial release in the United States this week. NY Times described the Yam Laranas thriller as “tightly written and spookily shot” film and “a powerfully atmospheric... Read more

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 56
By : Nel Alejandrino

Bianca and Dennis discuss marriage 'casually'

LUIS Manzano said he will make extra time para makapiling ng mas madalas ang kanyang mommy na si Batangas Governor Vilma Santos and her family.         Lalo pa nga at free from school ngayon ang  only at nakababata niyang kapatid na si Ryan Christian. Luis admits na nagiging amiss... Read more

Angeline sapped Coco's strength

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 51
By : Vinia Vivar

FINALLY, natapos na rin ang pelikulang Born to Love You, unang pagtatambal nina Coco Martin at Star Power champion Angeline Quinto. Nagkaroon ito ng grand presscon kahapon sa Dolphy Theater sa ABS-CBN na dinaluhan ng dalawang bida at iba pang cast tulad nina Albert Martinez, Malou de Guzman at... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC